Saan man galing ang ihip ng hangin Mapuwing man ako ng buhangin Ang ngiting ito'y may munting pag-amin: Maliwanag pa sa araw Ang liwanag ko'y ikaw Ang Mabihag ng iyong mga bisig Tanging kaligayahan ko't hilig Handang mag-alay sa ngalan ng pag-ibig Wala nang mas malinaw Ang liwanag ko'y ikaw Kaya't huwag nang ipagkait Ang bulong ko sa langit Ang tayo'y maglayag Lumipad kahit saglit Ikaw ang ilaw sa'n ka man dalhin Hindi na tayo matatakot sa dilim Dahil iba ang dala ng pag-ibig mo Liwanag sa buong mundo SHINE PILIPINAS SHINE! Tunawin man ng init ng panahon Ang puso kong hangad lang ay ambon Di susuko ano man ang hamon Sa dilim, lumilitaw Ang liwanag ko'y ikaw Ikaw ang ilaw sa'n ka man dalhin Hindi na tayo matatakot sa dilim Dahil iba ang dala ng pag-ibig mo Liwanag sa buong mundo! SHINE PILIPINAS SHINE! Sa bawat kilos mo't galaw Damadamin mo'y sumisigaw Ang ganda mo'y sumasayaw Buong mundo'y nasisilaw! SHINE PILIPINAS SHINE! SHINE PILIPINAS SHINE!