Kishore Kumar Hits

Itim Na Ulap - Origami lyrics

Artist: Itim Na Ulap

album: Origami


Ako'y bangkang papel na naglalayag
Sa gitna ng iyong mga dahilan
Maalat na dagat ng kasinungalingan
Mga bituing papel sa langit
Kong tanaw iyong sinisilaban
Kasamang naabo ang mga kahilingan
Sakaling mawala ang usok
Pwede ba muling sumubok?
Sakaling mawala ang usok
Paano pa kaya ulit titibok?
Punit na puso kong nahulog sa iyong mga kamay
Iginuhit na litrato pilasin natin ng sabay
Unti-unti mong sinarado ang 'yong palad kasabay ng
Paglukot mo sa puso kong papel sabay kaway
Sa eroplanong papel ay nakasaad
Ang pangakong 'di pahahadlangan
Kasamang lumipad ang mga kahilingan
Sa pagbulusok ay nahulog sa lapag
Malapit sa iyong paanan, pinulot at hinagis sa 'di kalayuan
Sakaling mawala ang lukot
Pwede ba muling sumubok?
Sakaling mawala ang lukot
Punit na puso kong nahulog sa iyong mga kamay
Iginuhit na litrato pilasin natin ng sabay
Unti-unti mong sinarado ang 'yong palad kasabay ng
Paglukot mo sa puso kong papel sabay kaway

Punit na puso kong nahulog sa iyong mga kamay
Iginuhit na litrato pilasin natin ng sabay
Unti-unti mong sinarado ang iyong palad kasabay ng
Paglukot mo sa puso kong papel sabay kaway

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists