Kishore Kumar Hits

Itim Na Ulap - Ika-Labing Walo lyrics

Artist: Itim Na Ulap

album: Ika-Labing Walo


Ikaw ang reyna ng esquerda
Punong-puno ka ng sorpresa
Ikaw ay tala sa umaga
At sa gabi ika'y bumababa
Kung iisipin ko, ano ba 'ko sa 'yo?
Kailangan bang magtanong?
'Wag mong sabihin na
Wala kang nadama (nadama)
Tinitigan at humiling (humiling)
Nasilaw sa isang ngiti bituin sa likod ng mga labi
Umaasang makikitang muli
Ang kislap ng gabi sa iyong matang nagniningning

Karirinig lang sa iyong mga labi
Agad mo ng binabawi
Pabago-bago ang isip mo
Dapat ka ngang ipangalan sa bagyo
Kung iisipin ko, ano ba 'ko sa 'yo?
Kailangan bang magtanong?
'Wag mong sabihin na
Wala kang nadama (nadama)
Tinitigan at humiling (humiling)
Nasilaw sa isang ngiti bituin sa likod ng mga labi
Umaasang makikitang muli
Ang kislap ng gabi sa iyong matang nagniningning

Naaalala mo ba nang iyong sinabi na
Kung mahina ka ay iiyakan mo siya
Ngunit pinili ko na kamuhian ka
Sa ganitong paraan ba ay panalo na?
Nanghihinayang nga at sana ay may nagawa
Ano bang laban ko, at ano ba 'ko sa 'yo?
May kalalagyan ba kung ipaglalaban ko
Itong pag-ibig na ako lang ang nakakadama?
Naaalala mo ba nang iyong sinabi na ('di na dapat)
Kung mahina ka ay iiyakan mo siya (maulit pa ito)
Ngunit pinili ko na kamuhian ka (insidenteng)
Sa ganitong paraan ba'y panalo na? (Nakapaloob sa 'yo)
Nanghihinayang nga at sana ay may nagawa (mahiwaga ang)
Ano bang laban ko at ano ba ako sa 'yo? (bawat salita)
May kalalagyan ba kung ipaglalaban ko ('sing liwanag ng)
Itong pag ibig na ako lang ang nakakadama? (kristal at tala)
Tinitigan at humiling
Nasilaw sa isang ngiti bituin sa likod ng mga labi
Umaasang makikitang muli (umaasang makikitang)
Ang kislap ng gabi sa iyong matang nagniningning
Tinitigan at humiling ('di na dapat maulit pa ito)
Nasilaw sa isang ngiti bituin sa likod ng mga labi (insidenteng, nakapaloob sa 'yo)
Umaasang makikitang muli (mahiwaga ang bawat salita)
Ang kislap ng gabi sa iyong matang nagniningning

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists