Kishore Kumar Hits

Android-18 - Sentimental lyrics

Artist: Android-18

album: Unloved + Space


'Di na dapat pang malaman mo
Ang lahat ng nasa utak ko
Ang mahalaga'y kasama kita
Sa umaga at sa gabi
Oh, hawakan mo aking kamay
Naaakit sa 'yong matang mapupungay
Hinihiling sana'y kayakap kita
Bawat oras, bawat sandali
Pero 'di tayo pupwede
Kahit magbaka-sakali
Nakakulong dito sa aking mundo
Napapraning at baliw na baliw sa 'yo

Medyo malabo akong kausap
Teka lang, 'wag munang kukurap
Mga matang parang kahapon pang gising
Nagsasabing yakapin mo ako
Tuloy ang pagpatak ng luha
Ang sakit, nakatatak sa aking mukha
Hinihiling sana'y wala nang hadlang
Kung pwede lang, tayo na lang
Pero 'di tayo pupwede
Kahit magbaka-sakali
Nakakulong dito sa aking mundo
Napapraning at baliw na baliw sa 'yo

Painumin mo ako ng gamot
Para ako ay makatulog
At doon na lang kita hahalikan
Sa panaginip ko
Pero 'di tayo pupwede
Kahit magbaka-sakali
Nakakulong dito sa aking mundo
Napapraning o nababaliw
Dahil 'di tayo pupwede
Kahit magbaka-sakali
Nakakulong dito sa aking mundo
Napapraning at baliw na baliw sa 'yo
Ooh, whoa
Ooh, ooh-ooh-ooh
Napapraning, nababaliw sa 'yo

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists