Kishore Kumar Hits

Android-18 - Ngiti lyrics

Artist: Android-18

album: Unloved + Space


Sandali, gusto lang kitang kausapin
Ako'y nagbalik, 'di para ika'y paluhain
Oh, samahan mo ako na maglakad
At muli, maligo tayo sa ulan
At pangako, 'di kita malilimutan
Walang gabi na 'di ka pagmamasdan, oh
'Di ako makaalis nang 'di ka kasama
Mami-miss ko ang iyong mga ngiti
'Di ako makaalis, ayokong iwan ka
Oh, pero kung walang magagawa, pwede ba makita kitang ngumiti?

Sandali, gusto lang kitang haranahin
Kung ito na ang huli, pwede bang paulit-ulitin?
Oh, samahan mo ako na lumabas
At muli, titigan natin ang buwan
At pangako, 'di kita malilimutan
Walang gabi na 'di ka pagmamasdan
'Di ako makaalis nang 'di ka kasama
Mami-miss ko ang iyong mga ngiti
'Di ako makaalis, ayokong iwan ka
Pero kung walang magagawa, pwede ba makita kitang...
Bago man lang ako lumayo (bago man lang ako lumayo)
Sana'y masabi ko sa 'yong hinding-hindi ko 'to gusto
Sandali, gusto lang kitang yakapin
Ito na ang huli

Oh, ayokong umalis nang 'di ka kasama
Mami-miss ko ang iyong mga ngiti
'Di ako makaalis, ayokong iwan ka
Pero kung walang magagawa, pwede ba makita kitang ngumiti?
Oh-oh-oh-oh, whoa-whoa-oh
Pwede ba makita kitang ngumiti?

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists