Sa bawat sisid, dibdib iniipit Makita ko lang ang sagot Sa pag "muro ami" ng pusong makisig Iniwang wasak at takot At kahit pa ipilit na hindi napansin Ang bawat salita'y tila wala nang lambing Pagod lang ba ang puso mo kaya hiniling Na 'wag na munang kausapin 'Di kailanman pipilitin Aking pag-ibig sadya ba'ng ikaw ay lason Parehong dagat pero ba't iba ang alon? Sa'king pagmamahal kailan kaya aahon? Dahil bigla kang nag-iba Pag gising ko, wala ka na Sa'king pagtisod una ulo, nalunod Nakatali pa ang paa Ang bawat pangako pinako sa angkla Pinagmimistulang tanga At kahit pa ipilit na hindi napansin Ang bawat salita'y tila wala nang lambing Pagod lang ba ang puso mo kaya hiniling Na 'wag na munang kausapin 'Di kailanman pipilitin Aking pag-ibig sadya ba'ng ikaw ay lason Parehong dagat pero ba't iba ang alon? Sa'king pagmamahal kailan kaya aahon? Dahil bigla kang nag-iba Pag gising ko, wala ka na Aking pag-ibig sadya ba'ng ikaw ay lason Aking pag-ibig sadya ba'ng ikaw ay lason Aking pag-ibig sadya ba'ng ikaw ay lason Aking pag-ibig, ikaw ay lason 'Wag na munang kausapin 'Di kailanman pipilitin Aking pag-ibig sadya ba'ng ikaw ay lason Parehong dagat pero ba't iba ang alon? Sa'king pagmamahal kailan kaya aahon? Dahil bigla kang nag-iba Pag gising ko, wala ka na Pag gising ko, wala ka na Pag gising ko, wala ka na Pag gising ko, wala ka na