Kishore Kumar Hits

Minaw - Koneksyon lyrics

Artist: Minaw

album: Koneksyon


Hindi naman kailangang marami ka pang sasabihin
Isang ngiti mo lang, alam ko na'ng dapat kong gawin
Bawat kilos sa 'yong umaagos, mayro'ng dalang mensahe
Bawat punto at buntong-hininga, alam ko na'ng sinasabi
Isang salita, libong kahulugan
'Wag mag-alala, ika'y naiintindihan
Pagbukas ng bibig, alam na ang ibig sabihin
Ito ang koneksiyon natin

Hindi naman kailangang ikaw ay magpaligoy-ligoy
Pati pagdadalawang-isip, aking naaamoy
Bawat paghaplos sa 'king balikat, punong-puno ng suhestiyon
Bawat paglingon sa aking direksiyon, kitang-kita ko ang ating koneksiyon
Isang salita, libong kahulugan
'Wag mag-alala, ika'y naiintindihan
Pagbukas ng bibig, alam na ang ibig sabihin
Ito ang koneksiyon natin
Isang salita, libong kahulugan
'Wag mag-alala, ika'y naiintindihan
Pagbukas ng bibig, alam na ang ibig sabihin
Ito ang koneksiyon natin
Isang salita, libong kahulugan
'Wag mag-alala, ika'y naiintindihan
Pagbukas ng bibig, alam na ang ibig sabihin
Ito ang koneksiyon natin

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists