Kishore Kumar Hits

Kawago - Paminsan-Minsan lyrics

Artist: Kawago

album: Kawago


Ooh-ooh-ooh, hey-yeah, hey-hey
Hey-hey, hey-hey
Ooh-ooh, ooh-ooh
So, I decided to myself na iwanan na kita
'Di na kita mahal, bakit nagpupumilit pa?
Paminsan-minsan na nga 'ko kung magpakita
'Wag nang magsumamo at iba na'ng nasa puso
Umaasa ka pa rin na tayo pang dalawa
Open your heart at buksan ang dalawang mata
Kahit harap-harapan na kitang pinagtaksilan
Ba't 'di mo magawa na ako ay sumbatan?
Sa ginagawa mong 'yan, ako sa 'yo'y nakokonsensya
Kaya paminsan-minsan tuloy naaalala
Kaya I write this song para ialay ko sa 'yo
Kasi ang tulad mo, sa akin nagpakaloko
Binigyan ng atensyon, ang sabi mo ay isa pa
Hindi ko kayang ibigay sa 'yo lahat-lahat
Salamat na lang sa 'yong pagmamahal
And then, you find another guy, sana kayo ay magtagal
Paminsan-minsan ang alaala mo'y nagbabalik
At aaminin ko, hanggang ngayon, ika'y iniibig
Hinihiling ko na kahit nasa'n ka man ngayon
Isipin mo ako kahit paminsan-minsan lang
Uh, pilitin ko man na ibalik ang nakalipas
Pagmamahal na binigay, 'di mo pinalagpas
Kahit dulot nito sa puso mo ay paghihirap
Sa 'kin baliwala ang lahat ng 'yong pangarap
Damdamin mo'y hirap tuwing ako ang kaharap
Sa sarili 'di maamin, bakit sa 'yo ko pinalasap?
Labis na pagsisisi, bakit ikaw pa'y napasa'kin?
Ang puso kong bato, iba sa 'yo naging hangarin
Naalala ko pa rin, laging bitin ka sa 'king piling
Pagmamahal mo'y labis sa Diyos kong hiniling
Ngayon ika'y malayo, sana ako'y mahal pa rin
'Yan ang aking dasal at sana ay iyong dinggin
'Pagkat 'di ko malimot, pagmamahalang kay tamis
Na pinagsaluhan at dinama nang labis-labis
At sa 'yong pagbabalik, bukas ang puso ko't isipan
Asahan mo, girl, hindi ka na mahihirapan
Paminsan-minsan ang alaala mo'y nagbabalik
At aaminin ko, hanggang ngayon, ika'y iniibig
Hinihiling ko na kahit nasa'n ka man ngayon
Isipin mo ako kahit paminsan-minsan lang
Buksan ang isip, puso at iyong damdamin
'Wag mo nang naisin na ako'y hanap-hanapin
'Di ka na sa akin at ako ay talikuran
Mas piniling lumayo at ika'y mangibang-bayan
Sa Japan, sabi mo doon ka aasenso
Kumpleto ang lahat, mabibili nais na luho
Gumuho, pag-ibig ko'y biglang naglaho
Mga ilang buwan na ikaw ay lumayo
Ni tawag at sulat, walang dumarating
Kaya tuloy ako, well, laging naglalasing
Buti na lang ito'y aking nakayanan
Pag-ibig mo sa akin, walang hinantungan
Ngayon, paalam na, 'wag nang babalik muli
'Pag nagmahal ako, ayoko nang magkamali
Dahil kung una, ako sa 'yo ay nabunggo
Ayoko nang maulit na ako ay mabigo
Hinihiling ko na kahit nasa'n ka man ngayon
Isipin mo ako kahit paminsan-minsan lang
Nasa'n ka man ngayon
Isipin mo ako kahit paminsan-minsan lang

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists