Kishore Kumar Hits

Flict G - 7 (feat. Kjah & Kial) lyrics

Artist: Flict G

album: 7 (feat. Kjah & Kial)


Itos popped a Mentos on this
Mayro'n akong kilalang walang kilala
Kapag may anihan, gusto niya, siya lang mag-isa
Parang kabayo sa kalesa na deretso ang mata
Ngunit tanging pasaherong ubra ay ang kubra niya
Sino siya? Sa kasuwapangan ay nag-uumapaw
Hindi sumusuntok pero gusto ay pumakyaw
Sukdulan sa pagkabig, walang halong pagbusisi
Hanggang 'di na namalayang nilalamon na niya ang kanyang sarili
Tulad ng nakilala kong makati
Ingat ka, may malisya bawat simpleng pagtabi
Daig pa ng kuneho na tigang tuwing gabi
Kahit na walang kaaway, gustong-gustong magbati
'Di mapigilang pagnanasa, susuong kahit may bitag
'Di lang 'to basta pinsala na dinudulot ng higad
Laman ng eskandalo, maski sino, talo-talo
Alerto ka, iha, siya 'yung nakatingin ngayon sa 'yo
Iba-iba ang ugali ng mga tao
Ingat ka dahil baka mo maingkuwentro
Malay mo, sila ang tatapos sa 'yo
Ba't 'di mo tanungin ang mga usisero?
Sino ba ang tinutukoy ko sa kuwento?
Sila ba? Ikaw ba? O ako?
Mayro'n akong kilala, 'di lang 'to basta hinala o duda
S'ya'y asong sa buto ay timawa, nag-aasal-tuta
'Yun bang mayro'ng makita lang na biglang bida
'Tang ina, masahol pa sa may reglang dalagita
Kung sumpungin ng panaghili at panibugho
S'ya'y madali sa pagtabi, kamamadali, panay bunggo
Makatalisod ng ginto sa minahan
Ng hindi naman kasundo (hindot!)
'Di nalalayo sa kilala ko pang isa
'Yung bituka, may kalyo na, tindi ng pampisa
Sa pagkain, kahit pain sa bingwit, lalamunin
Hahabulin ang halimuyak ng usok 'pag naggisa
Wala kang aabutan sa hapag, tagal na 'yang subok
Kilabutan ka, palag-palag 'yan kahit na bugok
Tila nabalutan ng kalasag, manhid sa'n man magsusulok
Sa kadamutan, ang habag, walang-hiyang nilulunok
Iba-iba ang ugali ng mga tao
Ingat ka dahil baka mo maingkuwentro
Malay mo, sila ang tatapos sa 'yo
Ba't 'di mo tanungin ang mga usisero?
Sino ba ang tinutukoy ko sa kuwento?
Sila ba? Ikaw ba? O ako?
Gising na, kaibigan ko
'Wag mong yakapin sala ng mundo
Ang lubid ng kamalian mo
Unti-unting bumibigti sa 'yo
Mayro'n akong kilala mula sa isang kaharian
'Kala mo, nasa gitna lagi ng tunggalian
Sobrang lalim ng galit sa mababaw niyang dahilan
Walang kabati kahit dati niyang kabatian
Hanggang may makausap siya na matandang pilosopo
Alam lahat tungkol sa isip, halatang sikologo
'Pag daw kumain ng poot, masasamid ka talaga
Ayon, sa sobrang galit ay napatid na 'yung hininga
Mayro'n akong kilala at dating tropa ko
Sa bahay niya, lahat ay puro otomatiko
Sa unang tingin, "Magaling!", 'Yun din sinabi ko
Pero kung bubusisiin, daig pa niya imbalido
Inayawan niya 'yung pedal para sa de-makina
Hindi na gagalaw, ultimo mismo pagtae niya
Ayaw pagpawisan, sa ngayon, walang pinag-iba
Nakahiga na lang sa tabi ng kanyang lapida
Mayro'n akong kilala, baka kilala mo
Kilala ng kilala mo, 'yun ang hinala ko
'Pag siya bumabangka, bumabaha ng kayabangan
Akala mo, alas, hindi mo pwedeng masapawan
Tindigan mo man ng tama, ayaw patalo
Sa papuri ng iba, matakaw masyado
Para sa kanya, walang ibang magnipiko
Kilalang-kilala mo 'to, tignan mo lang sarili mo

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists