Kishore Kumar Hits

Flict G - Bawal Sumuko Dito (feat. Smugglaz, Skant Vee, Hakob, A$tro & Microphone Mechanics) lyrics

Artist: Flict G

album: Bawal Sumuko Dito (feat. Smugglaz, Skant Vee, Hakob, A$tro & Microphone Mechanics)


Kaliwa't kanang hirap at saya
Lungkot at ligaya na ang aking naranasan
Kabilaang paghihirap taas babang kalagayan
At salitan lang ang swerte't kamalasan
Natural lang ang mapagod dahil tao lang din
Tayo yan ang laging iisipin mo
Wala nang daan pabalik tuloy lang ang
Pagpanik bawal ang sumuko dito
Wag kang maniniwala sa katwirang baliko
Na binuhay lang daw tayo para lamang mabigo
Kung ikay napagsarhan, wag ka sanang hihinto
Susian mo ng sipag kung sarado ang pinto
Matamis o mapait parehas dapat tanggapin
Tandaan lalong inaalat mga nagmamaasim
Kung puro tamis lang ng tagumpay baka magkasakit
Ang buhay parang pagkain masustansya pag may pait
Di importante na maging komportable dahil
Di naman yan ang basehan
Tanggapin mga hamon harapin mga
Alon sa dagat dahil ikaw ang kapitan
Kung manalo edi ganado sa hatian
Wag kang kabado sa mga plano na palitan
At kung matalo, wag kang magtago sa tabi diyan
Diretso lakad ka lang sa anihan
Kaliwa't kanang hirap at saya
Lungkot at ligaya na ang aking naranasan
Kabilaang paghihirap taas babang kalagayan at
Salitan lang ang swerte't kamalasan
Natural lang ang mapagod dahil tao lang
Din tayo yan ang laging iisipin mo
Wala nang daan pabalik tuloy lang ang
Pagpanik bawal ang sumuko dito
Di mo pwede bastahin yung mga batang taga samin
Eh kanino pala dapat kung hindi to para sakin?
Ang pangalan ko'y hindi mo kita sana sa ilalim
Kung di ko tinuloy ang sakripisyo koy wala rin
Ang bandera ng lugar ko ay iaangat ko
Hanggang huli kong ngipin ay pangakong 'kakagat ko
Pagkat ano man hamon yan alam mong papalag to
'Di lang basta saksak sa likod sinasalag ko
Nagkasubukan na nga nung minsang nainip sa pila
Ngunit para lang makita 'di ko binuhat aking silya
Oo kasi ako to yung bata dun sa eskinita
Oh? di yun tipikal yung batang yon ay pambihira
Gayahin mo kung pano ko niyakap ang hilig
Hanggang sa mapila na sa tinatawag na Big Fish
At hanggang magbunga na yung tinanim mo na binhi
Sige tsaka mo nga sabihing 'di to pag-ibig?
Kaliwa't kanang hirap at saya
Lungkot at ligaya na ang aking naranasan
Kabilaang paghihirap taas babang kalagayan
At salitan lang ang swerte't kamalasan
Natural lang ang mapagod dahil tao lang din
Tayo yan ang laging iisipin mo
Wala nang daan pabalik tuloy lang ang
Pagpanik bawal ang sumuko dito
Susuko. (Susuko?) mas mabuti pang sumuka
Sa dami ng kutya na nilunok ay puno na ang sikmura
Ang pait sa una, napapadalas na nun ang
Pag sub-sob ko sa lupa 'nak ng tupa
Kaya nung nakaahon ay inubos ko yung hamon
Inagahan ko yung bangon, pasok walang baon
Magugutom lang ako pag sa problema nagpalamon
Kakamaliit nila naka lusot na sa karayom
Ang takot na di natin matibag ay nagiging
Pader na bilangguan ng mga pangarap natin
Abot kamay lang ang pangarap, kung ika'y papalarin
Kaya aralin, sanayin samahan ng dalangin
Lahat may dipekto pero sinong desidido
Na baguhin kanyang kwento
Bweno kailangan mong daanan
Ang kumpletong proseso
Ang premyo pinaka mahusay
Na bersyon ng sarili mo
Naniwala, nagtiwala, nag-ensayo, lumakas
Alam kong may regalo din sa akin ang taas
Papabor din ang galaw parang bida sa palabas
Oras na para diinan ang tapakan ng gas
Binubuhay ng laro Wala nang balak lumiko
Sinugal ko nang lahat, bakit pa ko hihinto?
Bawal sumuko yan ang sabi sakin ng magtatato
Tumatak, Binitbit ko hanggang maging kaya ko (kaya ko)
Yung dati lang nakikikaen,
Pero ngayon nag aambag na samin
Kung pwede lang lahat hilahin,
Pero tadhana pa din magsasabi
Kailangang paghirapan ang lahat,
Wag kang matakot kung ilan ang kumagat
Parte yan para maging alamat,
Isang daang porsyento mo na isagad!
Kaliwa't kanang hirap at saya
Lungkot at ligaya na ang aking naranasan
Kabilaang paghihirap taas babang kalagayan
At salitan lang ang swerte't kamalasan
Natural lang ang mapagod dahil tao lang
Din tayo yan ang laging iisipin mo
Wala nang daan pabalik tuloy lang
Ang pagpanik bawal ang sumuko dito

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists