Kishore Kumar Hits

Death Threat - KN3 (feat. Jcrwn) lyrics

Artist: Death Threat

album: KN3 (feat. Jcrwn)


Matagal-tagal na rin 'di ko kayo nakakasama
Kailan kaya ulit makukumpleto ang barkada?
Sa mesa na punong-puno ng mga alaala
Kaya kamusta na, ako pa ba'y naaalala?
Ilan pa ba'ng natitira?
May mga tropang nakalimot, 'yung iba nama'y nauna na
'Di man ako makalapag, ako na lang ay inyong tagayan
Tanguan na lang 'pag nagkita-kita sa daanan
Ilan taon na ang mga lumipas, malawak na dinanas
Mahaba na ang nilakbay, pudpod na ang tsinelas
Tuloy pa rin ang bawat hakbang na aking sinugod
Ang bawat hakbang na nilagpasan ay nakakapagod
Pero isa-isa etong aking nilagpasan
Handa na ba kayo ulit akong mapakinggan?
Halika, sumama, hawakan mo aking kamay
Sa mga makabagong panahon, tayo ay maglalakbay
Kumusta na sa dating mga kaibigan?
Naaalala niyo pa ba ating pinagsamahan?
Baka naman ito'y inyong nakalimutan
Na parang lumang gamit na iyong pinagsawaan
Yeah, hindi na bali kung walang masabi
Ang importante ay naaalala ang sinabi
Sa bawat linyang binitawan ay mayro'ng mensahe
Salamat, naging parte ka ng aking biyahe
Matagal-tagal na rin 'di ko kayo nakakasama
Kailan kaya ulit makukumpleto ang barkada?
Sa mesa na punong-puno ng mga alaala
Kaya kamusta na, ako pa ba'y naaalala?
Ilan pa ba'ng natitira?
May mga tropang nakalimot, 'yung iba nama'y nauna na
'Di man ako makalapag, ako na lang ay inyong tagayan
Tanguan na lang 'pag nagkita-kita sa daanan
Pare ko, anong balita?
Matagal na rin mula nu'ng huli tayo na nagkita
Mayro'n na bang pamilya?
Nakakamiss kasi 'yung mga dati nating gawain
Tambay magdamagan kahit na wala nang kain-kain
Ambag-ambagan para lamang mayro'ng pang-inom
Abot barya para may pambili pa ng canton
Sarap lang balikan sa paglipas ng panahon
Mga diyamante na nakakasama ko mula noon
Yo, mga brad, pasensiya na, medyo nahuli
Nagluto ako, adobong paiga, tadtad ng sili
'Yung paboritong pulutan natin mula pa noon
Mapa-gin, Emperador, isang Red Horse na kahon
Pasensiya kung 'di na araw-araw tayo ganito
Alam mo na, pamilyado at medyo busy na 'ko
Gano'n pa man, pakamay, payakap ng mahigpit
Na-miss ko na ang tropa-tropa ng mga malulupit
Pinaglayo-layo man ng tadhana, 'di alintana
Kay sarap balikan, tayo'y dumungaw sa bintana
Ng nakaraan, kamusta? Ayos lang ba tayo?
Nakaka-miss 'yung panahon na magkakasama tayo
Araw-araw, halos magkapalitan ng mukha
Walang iwanan, hanggang lumaylay ang tuka
'Di man nagpapangita ay laging tatandaan
Ako pa rin 'yung kaibigan mong laging nariyan, uh
Matagal-tagal na rin 'di ko kayo nakakasama
Kailan kaya ulit makukumpleto ang barkada?
Sa mesa na punong-puno ng mga alaala
Kaya kamusta na, ako pa ba'y naaalala?
Ilan pa ba'ng natitira? (Ilan pa ba?)
May mga tropang nakalimot, 'yung iba nama'y nauna na
'Di man ako makalapag, ako na lang ay inyong tagayan
Tanguan na lang 'pag nagkita-kita sa daanan
Matagal-tagal na rin 'di ko kayo nakakasama
Kailan kaya ulit makukumpleto ang barkada? (Kailan kaya?)
Sa mesa na punong-puno ng mga alaala
Kaya kamusta na, ako pa ba'y naaalala?
Ilan pa ba'ng natitira? (Ilan pa ba?)
May mga tropang nakalimot, 'yung iba nama'y nauna na (nauna na)
'Di man ako makalapag, ako na lang ay inyong tagayan
Tanguan na lang 'pag nagkita-kita sa daanan (ooh)
Oh no, oh-oh-oh-oh-oh
Yeah, yeah, yeah, yeah, yeah-eh
Ooh, ooh, ooh

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists