Ako na nama'y nagkagusto Sa lalaking 'di akalaing magiging tipo Sa tuwing kasama sya ako'y nabubulol Minsan pa nga ay natatapilok Wala sa tamang pag-iisip at di talaga makaimik Natutuwang pakinggan mga tawa mo At mga matang 'di makita tuwing nakangiti Brad, wala sa timing ang iyong pagpapakilig Tinitiis sabihin ng aking bibig Habang tumatagal lumalalim ang pagtingin 'Di ko aaminin na may gusto sa'yo kahit halatang-halata na Ngayon lang ulit naging masaya Pinipigilan ko pa nga nung umpisa Di na nga magtataka kung ako'y nahulog na Takot subukan i-level up ang pagkakaibigan Di pa handang masaktan Baka pa ma-awkward-an Di nga alam kung pareho ang nararamdaman Baka 'di pa kayanin ng puso ko'ng baliw sa'yo Kaya maghihintay na lang ng pagkakataon sabihin sa'yo Bigla ako'ng preno Nakita pang magkasama kayo Di ko aaminin na may gusto sa'yo kahit halatang-halata na Ngayon lang ulit naging masaya Pinipigilan ko pa nga nung umpisa Di na nga magtataka kung ako'y nahulog Na-aah na-aah oh na-aah na-aah oh na-aah na-aah oh Di magtataka kung ako'y nahulog na Pero eto na nga ika'y unti-unting lumalayo Nakakapanibago di ka na namamansin Dito na lang ako sa gilid titingin Mag-aabang maglaho tibok ng puso Pero sa ngayon Di ko aaminin na mahal kita Kahit halatang-halata na Ngayon lang ulit naging masaya Pinipigilan ko pa nga nung umpisa Di na nga nagtataka dahil ako'y nahulog Na-aah na-aah oh na-aah na-aah oh na-aah na-aah oh Di nagtataka dahil ako'y nahulog na Di nagtataka dahil ako'y nahulog na