Paglumakad ka sa init Magdala ng sumbrero Para di mainitan Ang iyong bumbunan Paglumakad sa ulan Magdala ka ng kapote O kaya'y pulang payong Para di ka sipunin Maglakad sa araw Maglakad sa buwan Tipid sa pamasahe Pampatibay ng katawan Tu, tri, por Paglumakad sa baha Magsuot ng bota Para manatiling tuyo Ang iyong paa Paglumakad sa dilim Magbaon ng flashlight Para di ka maligaw At lamunin ng mamaw Maglakad sa araw Maglakad sa buwan Tipid sa pamasahe Pampatibay ng katawan Tu, tri, por Paglumakad ka sa putik Magbaon ng pampalit Siguradong tatalsik Malapot at malagkit Paglumakad ka sa gubat Magdala ng itak Panghawi sa daan Tabi tabi po diyan Maglakad sa araw Maglakad sa buwan Tipid sa pamasahe Pampatibay ng katawan Tu, tri, por End