Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo Pumasok sa pinto ng hindi inimbita (putik) Nilamon ang lamesa, tv, radyo at sofa (putik) Alaala sa mga larawan (putik) Naglaho nang hindi nagpapaalam (putik) Umakyat sa hagdan at sinakop ang silid (putik) Kinain ang kama, tukador, cabinet, sahig (putik) Naubos ang mga sapatos at damit (putik) Libro, computer, cd, gitarang hindi maipagpapalit Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo Oh ooohh oh ooohh oh ooohh oh ooohh Oh ooohh oh ooohh oh ooohh oh ooohh Sa labas rumaragasang ilog ang kalsada (putik) Inanod ang palengke at lahat ng paninda (putik) Nagpatong-patong truck, jeepney at kotse (putik) Buong bayan nagkulay tsokolate (putik) Pagpalain ang mga nakaisip mangsagip Inalay ang sarili at lumusong sa panganib Buti na lang naiakyat si lola Ngunit di kasing palad ang kapitbahay niya Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo Oh ooohh oh ooohh oh ooohh oh ooohh Oh ooohh oh ooohh oh ooohh oh ooohh Nagunaw ang mundo