Kishore Kumar Hits

EVEN - Quatro lyrics

Artist: EVEN

album: Quatro


Nanlilisik mong mga mata
Tila nangungutya
Bumubulong pailalim
Yumayakap sa akin
Wag mo nang linlangin
Humiling sa mga bituin
Sadyang nag-iiba'ng
Simoy ng hangin
Binaon ko ang lahat
Ito na nga ang hudyat
Apoy man ay lumiliyab
Di na masisindak
Di na nga matitinag
Handa na'ng aking kalasag
Ang ngiting matamis
Binibigay ng walang sukli
Bawat talim ng salita
Ikaw ang may likha
Huwag mo nang linlangin
Humiling sa mga bituin
Sadyang nag-iiba'ng
Ihip ng hangin
Balat-kayo mong lakas
Ang lahat ay may wakas
Apoy man ay lumiliyab
Di na masisindak
Di na nga matitinag
Handa na'ng aking kalasag

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists