Bigo ang loob mo
Pero 'di sumuko
Sa swerte, pulubi
Sa puso, palasyo
Kung ako ang iyong hari kahit na ang bahaghari
Sikretong babahagi, mga ulap ihahawi
Nais ko ring mawari sa puso na mamalagi
Makita kang palagi, lungkot ko ay napapawi
Matamis na iyong labi, sa isip ko sumasagi
Hiraya Manawari, sana ay gan'to palagi
Tila yata ay nayari sa suwerte, ako'y pulubi
'Di na nga magpapalugi, pwede ba kitang maari na
Tayo nang dalawa kahit na partida
Parang lumang sine na ikaw ang bida
Hanggang do'n sa dulo ng pasong diablo
Hinga ng malalim, pumikit ka lang at tumalon
Ha-ah-ah-ah, talon
Ooh-ooh-ooh-ooh, talon
Ha-ah-ah-ah, talon
Kahit gaano kataas ay tatalunin
Sakaling ang mundo
Bukas ay gumuho
Basta ang alam mo
Ikaw ang mahal ko
Pakinggan mo sana mga nakatagong mga himig
Handog na may pag-ibig, dalang mga ligalig
Buwan akong kinikilig, masdan mo umiibig
Sa dagat masigasig, mapayapa kitang iniibig
Mala-pelikulang marami ang nakaabang
Mga matang nakapaligid, ayaw palamang
Malamang 'di ako magtatabang
'Di ka sana magsawa, hindi ako manlalamang
Tayo nang dalawa kahit na partida
Parang lumang sine na ikaw ang bida
Hanggang do'n sa dulo ng pasong diablo
Hinga ng malalim, pumikit ka lang at tumalon
Ha-ah-ah-ah, talon
Ooh-ooh-ooh-ooh, talon
Ha-ah-ah-ah, talon
Tumalon
Ha-ah-ah-ah, talon
Ooh-ooh-ooh-ooh, talon
Ha-ah-ah-ah, talon
Kahit gaano kataas ay tatalunin
Sapat na'ng pahiwatig, wala na ang 'yong galit
Gabi-gabi na lang ikaw ang aking panaginip
Ngiti hanggang gilagid, sa 'yo ay naaakit
Sabay halik sa hangin, malakas na pagkaihip
Mga tanong na bakit ako ay nilalait
Maramdaman mo sana at sumagi sa 'yong isip
Gusto ko man lumapit, marami ang nakasingit
Puso mo'y nasilip, nabigong paulit-ulit
Bilog ang mundo, huwag mo sanang iikot sa 'tin
Malay ba natin kung para ba talaga sa atin
Kung ikaw ay alanganin, hinga ka lang malalim
Palasyo na mahangin, partida pikit ka lang at (oh, tumalon)
Ha-ah-ah-ah, talon
Ooh-ooh-ooh-ooh, talon
Ha-ah-ah-ah, talon
Kahit gaano kataas ay tatalunin (tumalon)
Ha-ah-ah-ah, talon
Ooh-ooh-ooh-ooh, talon
Ha-ah-ah-ah, talon
Kahit mahulog sa bangin ay sasaluhin (tumalon)
Ha-ah-ah-ah, talon
Ooh-ooh-ooh-ooh, talon
Ha-ah-ah-ah, talon
Kahit gaano kataas ay tatalunin (tumalon)
Ha-ah-ah-ah, talon
Ooh-ooh-ooh-ooh, talon
Ha-ah-ah-ah, talon
Kahit mahulog sa bangin ay sasaluhin
Поcмотреть все песни артиста