Sana 'yung album na hawak ko ngayon, 'di pirata Mahirap 'atang mag-isip at magpuyat ng ilang araw At para kang may karay-karay na buntong-hiningang 'di matuloy-tuloy Mahigit isang taong nakalipas Mula nang huli kaming tumapak sa studio ni Tito Bob Para hingin 'yung master copy At hinihingi na raw ng Viva dahil okay daw kami Oo nga, hindi mo nga sinabing magpakagago kaming gawin 'tong album Pero hindi ka rin pinilit bumili, girl At makikanta at maki-usi sa proyektong ito Ngunit kung hawak mo'y orihinal, maraming salamat po Pinayaman mo kami nang mahigit sa 25 sentimos Kung hawak mo naman ay album namin, pati na rin album ng iba At balak mong ilipat ang digital information Sa sampu o higit pang mga blangkong CD Hindi ka naiiba sa amo mong nagpupumilit sa Korte Supremang bahaw sa aresta lang