Kishore Kumar Hits

Ejac - Templo - 2019 Remastered Version lyrics

Artist: Ejac

album: KSYSYN (2019 Remastered Version)


Kiskis ng mga plaka at tunog ng instrumento
Kasabay sa pagbitaw ng mag bara ko sa berso
Para sa ehemplo ay ang para ko sa templo
Maging para paraan na lang kung pano mo isentro
Dati usap usapan lang lahat nang to sa ilog
Hanggang sa paagusin ang istroyang nagpalimot
Sa ligaw na dereksyon walang bakas tska makipot
At markado kong yapak para sa susunod sa ikot
Sa daanang mas mahaba at malawak na ngayon
Na syang katulad nang isipan na malaya sa kahon
Na kung anong bumagay satin ay bagay sa panahong
Makikibagay ang sagot sa hinahanap mong tanong
Anak nang sumalangit naging ama sa lupa
Kitang kita ko sa langit kung papano siya lumuha
Ang pangarap ay pasanin bumibigat ng kusa
Sampal to sa pinalad kung akala niyang parusa
Pagkat iba ang kalawan kung ano ang nasa isip mo
Pagkat may mga tala at planeta sa sarili ko
Maaring mong makita baka nanjan sa paligid mo
Ginagamit ko ang PAG iduduktong ko na sa IBIG ko
Kiskis ng mga plaka at tunog ng instrumento
Kasabay sa pagbitaw ng mga bara ko sa berso
Para sa ehemplo ay ang para ko sa templo
Maging para paraan na lang kung pano mo isentro
Padaluyin mo ang boses ko hanggang sa kiliti mo't
Aking mga mata ang kamera sa pag ngiti mo
Ang ibig kong sabihin to ang Oo sa Hindi mo
Sa nagdidilimang kwarto na may ilaw na pundido
Gawin nating pantay pagkat balanse ang kalso
Sa papel na lalatagan nang sulat ng kanta ko
Di ko man makita marahil bulag ako
Pikit ko siyang nakita gamit ko ang pangatlo
Kaya hayaang lumipad iwan natin ang sagabal
Padaluyin mo ang agos mabilis man o mabagal
Nagkalat man sila, tingala ko't di umangal
Pagkat saking pagyuko ay pinulot ko ang aral
Ako ay sinabon ng pangaral nang magulang
Binanlawan ng alak nung akala kong nagkulang
Nakuhang lumutang sa mura ko na gulang
Mistulang sinomang humarang ay kukusang
Babaga sa haba nang bawat mga bara
Para ipara gamit ang antipara
Kung maliwanag ba o para pasanin ko na din ang krus para lang na maging kara-
Niwang nababasa kung sa noli naibara
Kung maria nya si klara at maria ko si juana
May birhen pa bang maria na hihila nang kampana't
Gagamitan ko ng panang may apoy na palaso't
Ningning ng mga tala ang nagsabing totoo
Na ang lahat ng to ay nasaaking templo
Kiskis ng mga plaka at tunog ng instrumento
Kasabay sa pagbitaw ng mga bara ko sa berso
Para sa ehemplo ay ang para ko sa templo
Maging para paraan na lang kung pano mo isentro

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists