Ako'y nagsimula sa di mahina kong paligid Na tahimik sa makitid na laro ng ibang tinig Tila ba walang imik na para bang tali ang isip Kunsabagay di rin madali ang buhay panaginip Na mainit sa mata saking napiling mga hilig Kakumpara ng tama sa mali mong pinipilit Kaya nga pinuhunan ko ang simpleng mga titik Upang sa tubuan ka ng 'yong posible pang masilip Di ako nahilig ng wala man lang pag-ibig Walang laman ang punto kung basta ko lang nasingit Sagot ng karaniwan lamang sa bugtong ay sirit At ako'y kaibahan nito sa alon ko at ihip Kaya't habang nandito pa ako ay susulitin na Hanggang sa ituring na ang sulat ko'y awitin na Higit pa sa malaya kong sabihin at hulihin ka Dahil sakin balang araw ang mundo'y mag iiba Basta maniwala ka Maniwala ka Maniwala ka Maniwala ka Maniwala ka Maniwala ka lang Maniwala ka lang Maniwala ka lang Kaya't halika na't subukan nating satin na isalin Ang sariling mga isip at damdaming pinakain Ng karanasan sa bawat sandali na babasahin Ang laman nito'y kahulugan ng dapat mong aralin Tandaan mo lang palagi kung bakit mo kakayanin Ang sagot na totoo ay pambihira pa sa lalim Masyadong karaniwan ang iba para gayahin At dama ko na ang buhay masaya ang para sakin Kaya pa'no na? Di ko naman 'to pinapakabisa Mas gusto ko pa sanang pagtuunang mag analisa Upang ang pabaon ko ay tulong pagka balisa Hanggang sa makuha't matutunan mo ng mag isa Kaya habang nandito pa ako ay susulitin na Hanggang sa ituring na ang sulat ko'y awitin na Higit pa sa malaya kong sabihin o hulihin ka Dahil satin balang araw ang mundo'y mag iiba Basta maniwala ka Maniwala ka Maniwala ka Maniwala ka Maniwala ka Maniwala ka lang Maniwala ka lang Maniwala ka lang