Kishore Kumar Hits

Ejac - Pass4ward - 2020 Remastered Version lyrics

Artist: Ejac

album: 3030 (2020 Remastered Version)


Walang ibang laman ang puso no'ng lumaban na dala
Bagong mundong nasa bungo ko nang matutong sumampa
Ilang taon na ba mula pa ng magbunga ang sanga?
Hanggang ngayon may juan tamad paring nakanganga
Ganun daw talaga, pagka nasunog ang bawat tanim kong puno ng amat
Lunod sa dulot ng alak, sunod sa uso ka dapat
Yapak na kayang humubog sa usok at alapaap
Minsan, di bale na't salamat!
Kailangan ng balanse ang ganyan
Tulad ng kailangan ko ng pera't raket sa'n man yan
Gawing langit ang lupang tapak ko at klase ng agham
Kung san ilang kalye at tropa lamang ang nakaramdam
Sapagkat panaginip ang reyalidad na hawak ko
Sana makaidlip ka rin ng mahimbing ng may tiwala sa pangarap mo
Katulad ng tadhanang nakaguhit daw sa palad ko
Na kayang doblehin ang pinahawak mo at onsehin ang lawak ko
Depende lang sa lakad ko ang checke sa pangarap ko
Halos walang pake sa kinakalat nyo, di pwede yan sa mapang 'to
Habang nandito pa 'ko at si bryan sa adobe
Si Beads at beat ni MP na kailangan pa ng chongke
Para sa naging parte ng tinaya ko't rumesponde
Respeto't kasaysayang dinala hanggang sa norte
At naiwang alaala din ni Jonex ng zapote
Rest in peace kapatid! Sagot ko na ang soundtrip
Pustahan abot langit 'to wala man jang soundclick
May bago pang album ang lokklass at gamit matang kulay rosas na pang tanggal badtrip
Mula pa no'n hanggang ngayon ang tamang panahon
Laman ng bukas at rason kung ba't kailangang magkampyon
Lagyan ang plato ng hamon at tao pang nakakahon
Nang magkaron din ng datong at sagot sa mga tanong
Maliban sana sa amat ng marijuanang nagkuha kong magtiwala at mamihasa
Sa hawak at tulak nitong laro ay naniwala
Kahit na walang pangakong bukas din may gantimpala
Ramdam mo bang wala ka namang dapat ikatakot
Saking dalang di kayang matahin ng 'yong nabalot o pasanin ang pagod ko ng dito makaabot
Manatiling magpakumbaba sa matarik na tugatog

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists