Kishore Kumar Hits

AKT - S.O.S lyrics

Artist: AKT

album: Straight Outta System


Let's go back nung tayo'y pinanganak
Kung san binansagan, ngalan at kasarian
Hanggang sa mga walang labang bininyagan
Ginawang makabayan ng ating paaralan
So what do you learn, sino bang kausap mo
What do you think, ba't ginawa mo 'to
Pinilit na gisingin para papasukin
Eskwela pataasang grades ang layunin
Tuturuang sumunod parang de-susi na toy
Forced to wear a uniform na para bang abnoy
Feed yourself and commercialism eats you
Mga student meal, may nutritional issue
Semento na lahat, alikabok na ang lupa
Walang lumilingon sa bundok na lumuluha
Walang umaalma basta may nakukuha
Nilasong kalikasan ang sinisikmura
Teka muna pass sa nature, tao lang tutukan
Multiple beliefs, mga utak naka-program
Usapan ng pera ang tungo ay giyera
Kinontratang digmaan parte ng sistema
Kinabaong na human, walang pakinabang
Respect the tradition, walang pakialaman
Binihisang bangkay, pinagkakakitaan
Magdadasal na pari kailangan pang bayaran
Oh lord, excuse me! totoo ba lahat ng 'to
Mga deboto sa pagboto is it true na 'di bobo
Freedom sinakripisyo, pumili ng pinuno
Do we still believe sa talkshit na gobyerno
Bakit tataya sa sugal na walang panalo
Anong mapapala kung hindi ka nakapwesto
Ano kayo mga doggo, na kailangan ng amo
Tawag na dito progreso? tingin ko, malayo
Malayong malayo, masyadong malabo
Sa dapat kung san wala pang basura
Sa dagat kung san walang plastik, de-lata
Walang sahuran sa a-kinse a-trenta
Walang ngumangawang empleyadong kawawa
Walang umaaswang sa lupang sinasaka
Walang de-tatak na manok at mga baka
Walang de-kamkam na oportunista
Natural pa ang gamot, walang transferred disease
'Di pa nagwawagi fucking big pharmacy
Blue lives doesn't matter, wala pang mga pigs
Ba't di pa bumalik sa mundong walang takip
Kahit saglit baka pwede mag-isip
Or just let it be, manatili na mali
Hanggang magkaron eksperimentong sablay
Damay damay, patay sabay sabay
All good back to zero, wala ng mga tao
Maghihilom 'tong mundo ngayong wala na tayo
Mas mabuti ba yun o mas mabuting ngayon
Kesa reklamo, galaw direktang aksyon
Bawat syudad ay pagbubuwagin
Pagbubungkalin, balik pagtatanim
Sabayang pagmulat, bawal pumikit
Kumportableng manhid ay gugulpihin
Tinangay ng larong palitang papel
Imbis na jungle, pinili hotel
Ultimo si dok 'di na alam ginagawa
Pag naggagamot, lalo pang lumalala
Watch balita, trust mainstream media
Huwag maniwala sa mga bohemian
Go get affected sa buhay ng artista
Brain mo infected, denial ka na sisa
Basilio, Crispin, nasaan kayo
'Di pa ba nakikita hanggang ngayon
Six years old, babad na sa porn
Ba't nagkaganun eh laging alone
Ba't pa magluluksa sa mga mawawala
Kung lahat nama'y sala sa pagkalala
Basta humihinga wag na mag-alala
'Di na 'to maaayos, wag ng mag-abala
Nasa bituka na natin, isda na kumain
Basurang hinangin, nagmula sa atin
Mga self-proclaimed, pinakamaalam na uri
Sariling gawa'y di magawang masuri
Nakakatawang mangha sa pagkamangmang
Walang kabuluhang mga pag-aabang
Nagpapatangang ayaw magpalamang
Sa bawat commercial, takam na takam
Mga na-colonized, corrupted mga mind
Usapang makabayan, racism all the time
Black and white, panay color blind
Para daw sa bayan willing to die
We are the right, you were the wrong
Sigawan ito ng pitong bilyon
Pitong bilyong, buong populasyon
Pitong bilyong pulpol lahat yun
Puro pollution, wala ng solution
Ningas kugon ang mga revolution
Pag nagutom, choose your poison
What can you do sa simulation
It will all begin sa birth control
Family planning hanggang ataol
Mula inire hanggang mabaon
Lilituhin ka ng panahon
Trending shit, it is what it is
Hindi ka in pag ika'y nakalihis
Bitterness pag ika'y naiinis
Ikaw lang magaling, ah, narcissist
Mga character, may identity crisis
Toy soldier, US army at ISIS
Beng, beng, beng! parang video game lang
Magpapatayan sa may playground
Ang manalo ay paparangalan
Pag nalibing 'di na matatandaan
Katapangan turns katangahan
Kung anu-anong pinaglalaban
Sariling brain ay 'di ma-understand
Pag na-offend, magwawala na lang
Barbaric, walang GMRC
So war freak, spoiler sa party
Hindi nagmeditate, hindi naglevitate
Laging galit 'di na maka-appreciate
Puro na lamang hate, kaka-masturbate
Self-esteem ay 'di na maka-celebrate
Lagi na lang badvibes everyday
Happiness is going away
Papasok sa dejection stage
Magluluha sa buong place
Kawawa naman, kailangan ng help
Usapang gay daw ang mental health
Depression kills but no one cares
Kaya lang gawin, mag-like at share
Para daw aware, galawang as you were
Hawakan mo yung tenga sa truth or dare
Life is unfair but love is in the air
Ika'y sasaya kung 'di magko-compare
Problema ng mundo, tao lang nag-iisip
Sa konting gulo, takot ang humihigit
Sariling multo lang sisira ng bait
Choice mo kung manatili na galit
Sa bawat isa ay sumasalamin
Kung gagawin paloob na tumingin
Rason ng pasanin, iyong mapapansin
Walang iba kundi ikaw lang din
Kung ako sa'yo 'wag ka ng maaning
Kung anong gusto ang siya mo na gawin
Ingat lang baka sumobra ka sa trip
Lumagpas at 'di makabalik
Mabubuhay na lang sa internet
To all the group chat na di ka naka-left
Mga friend requests na 'di ma-accept
Tinag ka nila pero 'di mo na ma-seen
Time to jump dun sa rabbit hole
Sa dulo rainbow maraming gold
The game is over, home sweet home
Straight outta system, casket close

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists