Kishore Kumar Hits

AKT - May Kausap Pa Ba Ko? lyrics

Artist: AKT

album: May Kausap Pa Ba Ko?


Panginoon, Panginoon, meron akong ibubulong
May nag-aaway banda don para sa ginto
Sabi nila utos mo, ano nga bang totoo
'Di ba't mahal ninyo kami, eh ba't nagkaganito
Bakit sa ginanda ganda ng simbahan niyo
Sa labas sandamakmak ang mga nanlilimos
Labas masok hipokrito, bakit nagkaganito
Pinabayaan mga tao, mga kahoy sinanto
Ba't niyo hinahayaang may mga nahihirapan
Bakit may mga pasa pasang kasalanan
Mga walang kinalaman, bata sa sinapupunan
Naipit sa gitna ng kasakiman at digmaan
Umiiyak ngumangawa, tinatawag tawag ka
Pero mukha atang may ginagawa ka pa
Dahil sa dinami rami ng mga nananalangin
Hanggang ngayon wala ka pa
Sa ngalan ng Ama, sa ngalan ng Anak
Sa ngalan ng Ispiritu Santo
Sa ngalan ng Ama, sa ngalan ng Anak
Sa ngalan ng Ispiritu Santo
Sa ngalan ng Ama, sa ngalan ng Anak
Sa ngalan ng Ispiritu Santo, Amen! Amen!
Panginoon, Panginoon meron akong ibubulong
Sa sampung utos niyo ilan na lang ang sumusunod
Ilan na kayong Diyos, 'di ka na po nag-iisa
At mukhang sa salapi hindi na kayo naiiba
Katulad po ninyo ang pera sinasamba
Madalas ay sobra na, may nagpapatayan pa
Sabi niyo po 'di ba? Humayo kami't magparami
Mga tao tuloy animo'y aso kung magpalahi
Lahat natitigang, libog ay 'di na makayanan
Kabit kabit na kahalayan hindi na maiiwasan
Tukso na inaakit, wasakan na ng tahanan
Kung nakikita niyo ito, ba't niyo hinahayaan
Mga batang lumalaki, walang mga magulang
Andaming pagkukulang, Diyos ko asan ka na
Andaming nananalangin ba't hanggang ngayon wala ka pa
Hanggang ngayon wala ka pa
Sa ngalan ng Ama, sa ngalan ng Anak
Sa ngalan ng Ispiritu Santo
Sa ngalan ng Ama, sa ngalan ng Anak
Sa ngalan ng Ispiritu Santo
Sa ngalan ng Ama, sa ngalan ng Anak
Sa ngalan ng Ispiritu Santo, Amen! Amen!
Patawarin niyo ako sa aking mga bulong
'Di ko na po masikmura nangyayari sa mundo
Sa dami ng gutom lahat kami nakakulong
Sangkatutak na tanong walang makasagot
Laging ikaw na ang bahala, ikaw ang solusyon
'Di makayanan na problema sa'yo dinudulog
Sabi nila may awa ka, sana nga maawa ka
Andami ng tanga, bawasan mo sila
At naalala ko pa, nasa bus ako kanina
May biglang sumampa, kami'y pinagdasal niya
Pagpalain kayo ng Diyos, yun ang sabi niya
Sabay bunot ng sobre, pengeng konting barya
Gusto kong magmura, anong kalokohan yun
Ginagamit ngalan mo, hinahayaan mo
Panginoon, Panginoon, naririnig mo pa ba ko
O baka mismong tanong, may kausap pa ba ko
Sa ngalan ng Ama, sa ngalan ng Anak
Sa ngalan ng Ispiritu Santo
Sa ngalan ng Ama, sa ngalan ng Anak
Sa ngalan ng Ispiritu Santo
Sa ngalan ng Ama, sa ngalan ng Anak
Sa ngalan ng Ispiritu Santo, Amen! Amen!
Sa ngalan ng Ama, sa ngalan ng Anak
Sa ngalan ng Ispiritu Santo
Sa ngalan ng Ama, sa ngalan ng Anak
Sa ngalan ng Ispiritu Santo
Sa ngalan ng Ama, sa ngalan ng Anak
Sa ngalan ng Ispiritu Santo, Amen! Amen!

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists