Huwag kang mabahala Ikaw ay mahalaga Hindi kita pababayaan Hindi tayo naiiba At sana'y paniwalaang Na pipiliin ka araw-araw At alam ko ang aking kaya, alam ko ang hindi Alam ko ang kailangan upang makapagsilbi Hangga't may kabutihan, hangga't may pag-ibig Liwanag ang mananaig At hindi ko maipapangako ang kulay rosas na mundo para sa 'yo At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga Hangga't hindi mo pa magawang muling ipagmalaki na ika'y isang Pilipino Huwag kang matatakot May kasangga ka sa laban na ito Sabay nating gisingin ang nasyon At alam ko ang aking kaya, alam ko ang hindi Alam ko ang kailangan upang makapagsilbi Hangga't may kabutihan, hangga't may pag-ibig Liwanag ang mananaig At hindi ko maipapangako ang kulay rosas na mundo para sa 'yo At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga Hangga't hindi mo pa magawang muling ipagmalaki na ika'y isang Pilipinong may pusong sagutin ang tugon Pilipinong may tapang na muling bumangon Pilipinong buo ang paninindigan Alam ang tama at totoo Samahan mo ako ♪ Huwag kang manghinayang, hindi tayo nabigo Tibayan ang iyong loob At kahit may dilim na umaaligid Ang liwanag sa puso'y 'di pasisiil Namulat sa pag-asang sa pag-ibig hindi na muling pipikit At hindi ko maipapangako (at hindi maipapangako) Ang kulay rosas na mundo para sa 'yo (kulay rosas) At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino (oh-oh-oh) Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga Hangga't hindi mo pa magawang muling ipagmalaki na ika'y isang Matatag at matapang at mabuti at mapagmahal na Pilipino Pilipino Pilipino