'Wag kang mabahala Ikaw ay mahalaga Hindi kita pababayaan ♪ Hindi ka naiiba At sana'y paniwalaan Na pipiliin ka araw-araw ♪ At alam ko ang aking kaya, alam ko ang hindi Alam ko ang kailangan upang makapagsilbi Hangga't may kabutihan, hangga't may pag-ibig Liwanag ang mananaig At hindi ko maipapangako ang kulay rosas Na mundo para sa 'yo At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga Hangga't hindi mo pa magawang muling ipagmalaki Na ika'y isang Pilipino ♪ 'Wag kang matatakot May kasangga ka sa laban na ito Sabay nating gisingin ang nasyon
At alam ko ang aking kaya, alam ko ang hindi Alam ko ang kailangan upang makapagsilbi Hangga't may kabutihan, hangga't may pag-ibig Liwanag ang mananaig At hindi ko maipapangako ang kulay rosas Na mundo para sa 'yo At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga Hangga't hindi mo pa magawang muling Ipagmalaki na ika'y isang
Pilipinong may pusong sagutin ang tugon Pilipinong may tapang na muling bumangon Pilipinong buo ang paninindigan Alam ang tama at totoo Samahan mo ako ♪ At hindi ko (at hindi ko) maipapangako ang kulay rosas (Kulay rosas) na mundo para sa 'yo At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino (oh, oh, oh, oh) Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga Hangga't hindi mo pa magawang muling Ipagmalaki na ika'y isang matatag at matapang At mabuti at mapagmahal na Pilipino Pilipino, Pilipino