Nakasanayang pagsasalo ay 'di na magawa Pa'no nga ba'ng notche buena 'pag pamilya ay wala? Kailangan magbukod ng hindi na lumala Karamdaman na wala pang himala Ang alaala nang kahapon Mahapdi sa damdamin Lalo na't kay rami Nang hindi na natin kapiling Pa'no nga mapapahiran ang luhang 'di tumitigil Araw-araw may luksang dumidiin Ibang pagsamo, ibang pasko Balutan ng pagmamahal ang naulila Hainan ng paglinggap ang nagmamakaawa Bigyan ng pagmamalasakit, handugan ng tula at awit Pangunawa ay 'wag ng ipagkait Ipagdiwang ang ibang paskong sasapit ♪ Pa'no nga mapapahiran ang luhang 'di tumitigil Araw-araw may luksang dumidiin Ibang pagsamo, ibang pasko Balutan ng pagmamahal ang naulila Hainan ng paglinggap ang nagmamakaawa Bigyan ng pagmamalasakit, handugan ng tula at awit Pangunawa ay 'wag ng ipagkait Ipagdiwang ang ibang paskong sasapit Ipagdiwang ang ibang paskong sasapit