Gusto ko lang naman ay marinig mo ang aking tinig Kasabay ng liwanag sa paggising Palubog na ang araw, kailan ba diringgin? Pero ayos lang kung dumilim 'Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin (Oh-oh-oh-oh-oh) Bituin (Oh-oh-oh-oh-oh) Bituin (Oh-oh-oh-oh-oh) Ako'y isang bituin Kumikinang-kinang 'Di dahil isang kilalang nilalang, iba ang dahilan Sa katunayan nga ay lagi nilang nila-"lang" Pero ayos lang kasi wala na 'kong pakialam Kung isa man ako sa mga iniidolo O isa ako sa mga kinabuwi-buwisitan niyo Isa man akong munting kislap sa paningin ninyo Ako naman ang araw ng sarili kong mundo Naiintindihan ko ang aking kapalaran Kahit tindihan ko at akin pang lawakan Ay hindi lahat ng tao ay abot ang kalawakan Malayo'ng agwat kaya 'di siya maliwanagan Ito ang pinasok kaya dapat tanggapin Oo, tanggap ko, nais lang sana kitang tanungin Bakit ang tao 'pag nakakakita ng bituin Ang pagbagsak nito ang katuparan ng kanyang hiling? Gusto ko lang naman ay marinig mo ang aking tinig Kasabay ng liwanag sa paggising Palubog na ang araw, kailan ba diringgin? Pero ayos lang kung dumilim 'Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin (Oh-oh-oh-oh-oh) Bituin (Oh-oh-oh-oh-oh) Bituin (Oh-oh-oh-oh-oh) Ako'y isang bituin Kung kukumpara ay bago lang ako sa rap Sinuwerte at napabilang sa isang patimpalak Pero ako ay minalas rin yata sapagkat Halos lahat yata ng laban ko, ako'y tambak Ngunit tuloy pa rin sa sabong, isinugal lahat Kahit na ako ay dehado, pati pato, nilapag Alam ni Kristo kung sino ang pilit nilalaglag Kaya 'yung 'di nila manok ang tinubuan ng pakpak Nakalipad paahon sa kabila ng panahon Pero kinaila, halo-halo ang rason "Ganito kasi, eh, kasi gano'n" Sa kanya na nga nanggaling, kasalanan ko ba 'yon? 'Pag pabor sa inyo, trip na trip niyong banggitin Pero 'pag hindi, bakit 'di niyo kayang tanggapin? Bakit ang tao, 'pag nakakakita ng bituin Ang pagbagsak nito ang katuparan ng kanyang hiling? Gusto ko lang naman ay marinig mo ang aking tinig Kasabay ng liwanag sa paggising Palubog na ang araw, kailan ba diringgin? Pero ayos lang kung dumilim 'Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin (Oh-oh-oh-oh-oh) Bituin (Oh-oh-oh-oh-oh) Bituin (Oh-oh-oh-oh-oh) Ako'y isang bituin Madilim na paligid ay nakakahawa Sa sarili'y mawawalan ka ng tiwala Pero ako'y hindi nababahala (Ako'y isang bituin) Madilim na paligid ay nakakahawa Sa sarili'y mawawalan ka ng tiwala Pero ako'y hindi nababahala (Ako'y isang bituin) Ako ay andito gabi-gabi kasi Hindi makukuha sa isang gabi Ang aking mga pangarap na minimithi Hindi madali kaya hindi minamadali Kaya pila lang nang pila, tira lang nang tira Iba nagpapatira pa para magkatira Gusto mo magbago? Ang sagot niya, "Hindi na" Kung ang akala mo huli na ang lahat, hindi pa Hindi ka dapat makuntento sa katwirang baluktot Porke ba komportable, ayos lang na malungkot? Ayaw mo masipa kaya ayaw sumuntok Hindi porke't napasubo, kailangan na ilunok Alam mo sa sarili, kailangan mo gawin Kung gusto mo tanggapin, ang sarili'y tanggapin Dahil ang tao 'pag 'di nakakakita ng bituin Ang pagdating nito ang katuparan ng kanyang hiling Gusto ko lang naman ay marinig mo ang aking tinig Kasabay ng liwanag sa paggising Palubog na ang araw, kailan ba diringgin? Pero ayos lang kung dumilim 'Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin (Oh-oh-oh-oh-oh) Bituin (Oh-oh-oh-oh-oh) Bituin (Oh-oh-oh-oh-oh) Ako'y isang bituin (Oh-oh-oh-oh-oh) (Oh-oh-oh-oh-oh) (Oh-oh-oh-oh-oh)