Kishore Kumar Hits

Jr Crown - Sasabihin lyrics

Artist: Jr Crown

album: Sasabihin


Paano ba sasabihin sa 'yo?
Eh, kung palaging may bantay d'yan sa tabi mo
Kung aaminin ko ba ay may posibleng mangyari?
Kung wala 'di na bali, mapaabot 'yong mensahe
Palagi na lang akong nakaabang
Wala na bang ibang paraan
'Di ko alam paano papaalam
Itong lihim kong nararamdaman
Matagal-tagal na rin na ito ay kinikimkim
Mga pasimple ko sa 'yo na paglalambing
'Di maiwasang mapigilan na kiligin
Sa tuwing kasama ka, sukdulan ang saya na nadarama
Kaso lang laging may kaba, kaya
Paano ba sasabihin sa 'yo?
Eh, kung palaging may bantay d'yan sa tabi mo
Kung aaminin ko ba ay may posibleng mangyari?
Kung wala 'di na bali, mapaabot 'yong mensahe
Oh, laging naghahanap ng bwelo
Aaminin na sana, kaso hindi lang makatyempo (oh)
Bumibilis kabog ng puso ko na parang tempo sa disco
Kahit hindi Pebrero, sana sa 'yo maisentro
Ang palaso ni Kupido, oh, please lang
Masabi ko na sana sa 'yo lahat this time
Na hindi na puro pagpapahaging in real
Paparating sa 'yo kung ano ba ang tunay
Na nararamdaman at nililihim ko
Kasi hindi ko alam ang 'yong magiging
Reaksyon kung sakaling malaman
At sabihin ko sa 'yo na matagal
Na kitang iniibig, ewan ko ba
Ba't sa 'yo pa tinamaan ng husto
Kaya nagkakaganito, kasi hindi ko pa masabi
Sa 'yo nang harapang gusto na kita
Kaya ko dinaan sa awit
Ang nais ko na mensahe
Paano ba sasabihin sa 'yo?
Eh, kung palaging may bantay d'yan sa tabi mo
Kung aaminin ko ba ay may posibleng mangyari?
Kung wala 'di na bali, mapaabot 'yong mensahe
Palagi na lang ba mag-aabang?
Sa katulad mong hirap makamtan
Hindi ko alam, pa'no papaalam
'Tong lihim kong nararamdaman
Paano ba sasabihin sa 'yo? (oh, whoa, yeah)
Eh, kung palaging may bantay d'yan sa tabi mo
Kung aaminin ko ba ay may posibleng mangyari? (oh, whoa, oh)
Kung wala 'di na bali, mapaabot 'yong mensahe
Paano ba sasabihin sa 'yo?
Eh, kung palaging may bantay d'yan sa tabi mo
Kung aaminin ko ba ay may posibleng mangyari?
Kung wala 'di na bali, mapaabot 'yong mensahe

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists