Kishore Kumar Hits

Andrew E. - Ikaw lyrics

Artist: Andrew E.

album: Clean


Hay, naku, ayan, kasi, ano?
Ang hihilig sa magagandang lalaki
Ang hihilig sa magagandang babae
Oh, ano napala n'yo? Oh, eh 'di, wala din, 'di ba?
Kaya kung ako sa inyo, makinig kayo sa sinabi ko noon
"Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay"
'Yan ang dapat mong ginawa, kaya makinig ka sa 'kin
And it goes a little something like this
16 na taon, oh, kay bilis, iha
No'ng una mong marinig ang aking kanta
Kay sarap balikan, ginintuang nakaraan
Sa "Humanap Ka ng Pangit" ay nagkantahan
Minemorize, sinaulo ng milyon-milyong katao
Na ang importante sa lahat ay pagkatao
At hindi ang itsura na nakakalinlang
Manloloko, mandaraya, kaya huwag na rin lang
Binuwag ko na'ng pagitan ng maganda at pangit
Na mula noon, nililibak at nilalait
Kinukutya, inaapi, nilalayuan
Minamaliit, tinatawanan, at tinatapak-tapakan
Pero, not anymore, 'di mo na mararanasan
Ang pandirian ka na para bang 'sang basahan
Dahil tao ka na may dangal at halaga
Ganda ng ugaling 'di makita sa iba
Ikaw ang pinakamagandang (ano?)
Babae sa balat ng lupa (say what, say what)
Ikaw ang pinakamagandang (ano?)
Babae sa buhay ko (oh, yeah, come on)
Kaya dahil sa "Humanap Ka ng Pangit", natupad
Pamilyang pinapangarap at hinahangad
Kuntento sa asawa, ngayon ay masaya
Kahit 'di sila mayaman, buhay ay maganda
And guess what? Loving-loving, gabi at araw
Maligayang samahan ay talagang abot-tanaw
Hindi panandalian, bagkus magtatagal
Humble, may puso't nakinig sa 'king pangaral
Dahil sa kanyang pamilya, ang buhay, masarap
Kuntento s'ya sa partner at hindi naghahanap ng iba
You know why? Kasi walang kuwenta
What for? Para saan pa? Eh, okay na
Mapagmahal sa pamilya (kami ay mabait)
Kuntento sa asawa (at wala kaming kabit)
Oh, nice, 'di ba pinapangarap n'yo 'yun
Ang magsama ang pamilya ng mahabang panahon?
Ikaw ang pinakamagandang (ano?)
Babae sa balat ng lupa (say what, say what)
Ikaw ang pinakamagandang (ano?)
Babae sa buhay ko (oh, yeah, come on, one more time now)
Ikaw ang pinakamagandang (ano?)
Babae sa balat ng lupa (say what, say what)
Ikaw ang pinakamagandang (ano?)
Babae sa buhay ko
Pero sa mga lalake at babaeng 'di sa 'kin sumunod
Imbes na nagrerelax ngayon, sila'y nakaluhod
Mga lalake at babae na pinagtawanan ako
At niloko-loko nila ang awitin kong ito
Sila ngayon ang gabi-gabing binabangungot
Na sa asawa nila ay may umaasungot
Na ang lalake, may ginagawang hiwaga sa dilim
At sa asawang babae, may ibang tumitikim
'Di sila naniwala sa kanta ni Andrew E
Kaya ngayon, broken hearted at broken family
Bugbugan, sakitan, tapos no'n, hiwalay
Depressed lahat at gusto na nilang 'pakamatay
Kaya para lumigaya ang iyong buhay
(Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay)
Kung hindi (sige ka, puso mo'y mabibiyak)
At ang 'di sumunod noon, ngayon, umiiyak
Ikaw ang pinakamagandang (ano?)
Babae sa balat ng lupa (say what, say what)
Ikaw ang pinakamagandang (ano?)
Babae sa buhay ko (oh, yeah, come on, one more time now)
Ikaw ang pinakamagandang (ano?)
Babae sa balat ng lupa (say what, say what)
Ikaw ang pinakamagandang (ano?)
Babae sa buhay ko (oh, ano napala n'yo? Oh, eh 'di, wala?)

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists