What always is an essential element in the creative is the mysterious
The dark, it's like the black in lacquer
The impenetrable, and yet, it's the profound depth
Out of which glorious things come but nobody can see why
There's a poem which says that when the bird calls
The mountain becomes more mysterious
Sa musika, ako unang nalulong
Sa kuwarto, maghapong nagpapatugtog
Nagkukulong; akala ng iba, baliw
Kasi mag-isang bumubulong
'Di lang nila alam na minsan 'pag sinusumpong
Ng mga salitang pulu-pulutong
Isip ko, 'di mapigilang tumugon
Lalong-lalo na no'ng narinig ko 'yung
"Way I Am" ni Eminem
'Tang ina, men, ang galing din
Sabay kuha ng itim na ballpen
Sinubukan kong itugma 'yung dingding sa tingting
Gano'n din sa singsing, chedeng, ineng
Maging sa bling-bling, bitin pa rin
Problema ko pa kung alin ang gagamitin
At pa'no pagkokone-konektahin
Teka, mayro'n lang akong te-testing-in
Baka kako magawa kong perfect-in
Pinagpuyatan kong hinanap ang liwanag sa
Nilalakaran kong lansangan kung sa'n ang dilim-dilim
Sinubukan kong tumikim-tikim
Umupo, umubo ako, ehem, ehem
Kusang nagpakita 'yung talang nagturo
Sa bagong silang na supling do'n sa Betlehem
Ika-20 ng Mayo, 1986
Mag-aalas-siyete ng gabi
May nanay na iri na iri, pawis na pawis
Abong isinaboy, padala mula sa kometa
No'ng dito sa planeta, dumaplis
Tibok ng puso'y bumilis
Senyales na araw ng Martes ang labas ko ng matris
Matinding liwanag ang aking nasipat
Kahit mata'y 'di ko pa maidilat
Kaligayahan ang aking agimat
Alam kong ligtas ako sa kanyang balikat
At atat na 'kong makita ang araw
Sa kanyang paglubog at sa kanyang pagsikat
Buwan-buwan ma'y palipat-lipat
Pero tandaang 'pag gabi, may bituing kumukutitap
Ako 'yung toothpick, nangarap maging banana cue stick
Turo ng mga mapaglarong daliri ni Ludwig
Kuwaderno ko'y parang naging pinagsama-samang
Pisara nila Da Vinci at Euclid
Marami-raming punit, inaral ko ilang ulit
Ngunit 'di ko nagawang maging bihasa sa pagguhit
'Di ko namamalayang may mga larawang maipipinta
Sa tala-talatang letrang aking naiukit
Gusto mo ba ng kakaibang romansa?
'Yung tipong mapapasayaw ka ng cha-cha
Pagkatapos kong isawsaw 'tong taco sa 'yong salsa
Mula Marikina, dumayo ng Tanza
Tapos bumisitang Pasacao at Naga
'Pinakita sa 'kin ang Pasig at QC
Para sabihin lang na 'wag mawalan ng pag-asa
Makauwi na nga sa amin, pero bago ang lahat
Magdudugo muna do'n sa bahaging dibdib
Baka sakaling marinig ninyo ang pahaging
Masabing ito'y tagos sa damdamin
Puwes, tsub, tsa, tagilid, akin
Subukan mong languyin ang lalim
'Wag mo nang hintayin pulikatin at maging pagkain
Ng mga butanding sa baybayin ng Lingayen
Naisip ko sa kanto, sinulat ko sa banyo
Pangarap ko lang marinig sa radyo
Nakakapanibago, nakakapagtaka
Biglang bait ng mga tao
Mga nakahaing nakakaengganyo
Oo, may kontrata na tayo, kaya ngayon, pa'no?
Napapraning na 'ko, magpapabiktima ba 'ko
Sa mga maiitim nilang plano?
Bigyan n'yo 'ko ng patas na laban
'Wag n'yo naman kunin lahat ng laman sa menudo
Baka matira sa 'kin, patatas at sarsa na lamang
Sa dumi ng pulitika, 'di na kaya ng ilang sabon
Umabot na 'ko ng 29 na taon
Sistema'y bulok pa rin hanggang ngayon
Nagtanim ako sa isang bakanteng lupain
'Di ko akalaing may makakapansin
Tapos no'ng may nakarating
Ang dami rin palang magmamagaling, makikiangkin
Madalang ko lang silang nakikita
No'ng ako'y gumagapang
Kaso no'ng ako'y nakatayo na sa sarili kong paa
Sasabihin ng iba, yumayabang?
'Wag mo 'kong husgahan
'Di pa kita nakakasalamuha sa damuhan, itigil mo na 'yan
'Di ka nga gumagamit pero ugali mo'y adik
Sayang naman, kung ako sa 'yo, itira mo na lang
Wala na bang matinong kausap?
Tira nila'y dakdakan, akin nama'y hook shoot
Kung gusto mo ng pataasan ng talon
Sige, mauna ka do'n sa rooftop
Makaramdam ka naman ng dagok sa bumbunan
Parang kinukunan habang pinupugutan
Mga kalawanging pako na galing impiyerno ang pinaghuhugutan
Pinagtagpi-tagpi kong barong, pinaghalo-halong kahoy
Bakal at gulong, limas pati pinaghirapan kong bubong
Gusto nila, sa kahon ako ikulong
'Di naman kasya ang mga tulad kong annunaki do'n
Tuyong-tuyo ako noong Pasko
Bagong Taon, ako ay napadaing
Sana sa Mahal na Araw, punuin Niya
'Yung salin ng aking balde-baldeng panalangin
Nagrolyo ako ng papel, hindi pambalot
'Wag kang matakot, alam kong 'di ka madamot
Umaasa lang akong makalibreng batok
"Bakit ba nandito 'to? Ang agresibo mo
Eto na 'yung kapiraso ng lupang kinita mo
'Di ba hiningi mo 'to? Pero pa'no mo mapapatunayang sa 'yo
Eh, wala ka ngang titulo"
Kung 'pagpapatuloy ko 'to
Aabutin tayo ng umaga
Humanda ka, makukuha ko rin naman 'yung dapat ay sa akin
Parating na 'yung mana
Поcмотреть все песни артиста