Naisip mo na rin ba na magiging akin ka? Di ako maka diyos ngunit ako a-amen na Ugali ko'y barumbado ngunit ako'y magbabago Huwag ka lamang maglalaho 'yokong mag-isa Di na! Hindi na! Wag kang magtataka kung totohanin ang baka Di na! Hindi na! Halina lapit ka wag kang maiilang Tatanggalin na natin ang iyong kaba Gusto kita, ang tanong papano? Langit lupa ang agwat, masyadong komplekado Sitwasyon di ko kontrolado Kaya pano mananalo sayo ang isang barumbado Teka lang wait a minute Kung di ka pa handa hindi ko ipipilit Masyadong halata kinikilig ka saking gimik Pag hinahawakan ka katawan mo'y umiinit Anghel sa lupa hulog ka ng langit Ako ay demonyo na sa tenga mo aawit Dami nanliligaw pero di makalapit Dahil sila'y sasabit pag ako ang nagalit Hindi sa ayaw pero di ko ginusto Nahulog ka sa tao na tadtad ng tattoo Masamang tao pero hindi yun totoo Ninakaw ko pag-ibig mo holdap to Wag silang intindihin kung iba sakin ang tingin Di kayang tanggapin di sila napapansin Ikaw ay aangkinin kahit di kita bilhin Kunin mo ko sa impyerno sa langit mo ako dalhin Wag silang intindihin kung iba sakin ang tingin Di kayang tanggapin di sila napapansin Ikaw ay aangkinin kahit di kita bilhin Kunin mo ko sa impyerno sa langit mo ako dalhin Di na! Hindi na! Wag kang magtataka kung totohanin ang baka Di na! Hindi na! Halina lapit ka wag kang maiilang Tatanggalin na natin ang iyong kaba Sabi ng iba wag daw magtiwala Pero di ka nakinig di ka naniwala Di mo sinubukang kalabanin ang tadhana Tinakot mo si kupido kaya sayo na niya pinana Kesyo medyo badboy, sobrang gangsta daw Daming tagahanga mga babae ang sumisigaw Di naman nila alam kung ano ang pananaw Dahil sa huling el bimbo ikaw ang babae na isasayaw Ako'y masamang damo siya ay rosas May dumapong paru-paro matotodas Kahit pa makulong ng ilang oras Kung ikaw ang manghuhuli handa ng magpa-posas Dami nagsasabi ako ang salarin Pero di ka nakinig andyan ka padin Tumingin sa ulap at iyong mararating Sakin humiling dahil isa kong bituin Wag silang intindihin kung iba sakin ang tingin Di kayang tanggapin di sila napapansin Ikaw ay aangkinin kahit di kita bilhin Kunin mo ko sa impyerno sa langit mo ako dalhin Wag silang intindihin kung iba sakin ang tingin Di kayang tanggapin di sila napapansin Ikaw ay aangkinin kahit di kita bilhin Kunin mo ko sa impyerno sa langit mo ako dalhin Di na! Hindi na! Wag kang magtataka kung totohanin ang baka Di na! Hindi na! Halina lapit ka wag kang maiilang Tatanggalin na natin ang iyong kaba Postura mo ay mala diyosa May konting pagka-selosapat na sapat na Balanse lang kampante na ko yeah Sa simbahan ba'y may pag-asa mahatid ka Upang korona mo'y aking makabit na Gandang umaga reyna! handang mangharana! Sayo ang dating barumbado ilan ang mga gago Tagal ko nang nagbago lam mo yan Sawang sawa na akong mangako malabong may mapako Dahil ipapakita ko na lang Sa pamamagitan ng aking tinig 'Gang sa magkalagkitan na ang ating mga titig Dahil hilig mo lamang ay aking mga himig Para sayo ultimo buga ng aking bibig! Handang suungin lahat umaraw man o umulan Masunod ka lamang kahit pa ko'y pahirapan dahil Hahamakin ko lahat sa kahit na anong paraan! Masunod ka lamang dahil... uy pung ina fk! Di na! Hindi na! Wag kang magtataka kung totohanin ang baka Di na! Hindi na! Halina lapit ka wag kang maiilang Tatanggalin na natin ang iyong kaba