Diyos na lumikha Mula simula Ikaw ay nandirito na Sa'Yong mga tinig Nagmula ang liwanag dilim ay iyong hinawi Sa'Yong Salita Daang bilyong kalawaka'y nalikha Sa'Yong paghinga bawat tala'y nagawa Kung bitui'y nagpupuri ako ay sasamba Nakikita ko sa'Yong mga gawa Nag-aalab Mong puso at biyaya Kung likha'y nagpupuri ako ay sasamba Diyos ng pangako Ikaw ay tapat bawat Salita Mo'y tunay Minsan ay nangusap Sumunod sa'Yong tinig kalikasan at karunungan Sa'Yong Salita Daang bilyong nilikha ay nabuhay Umiikot sa pag-asa Mong taglay Kung Ika'y naihahayag ako'y sasamba Nakikita ko sa'Yong mga Salita Ang makulay Mong puso at biyaya Kung likha'y sumusunod ako'y sasamba Sasamba Kung bitui'y nagpupuri ako ay sasamba Kung bundok lumuhod ako ay sasamba Kung ang dagat ay sumisigaw ng pagsamba At ang bawat nilikha'y umawit ng pagsamba Kung ang hangin ay sumusunod sa'Yo At umiiyak bawat batong puso Kung magkulang man lahat ng pagpuri Kami'y aawit ng daang bilyong ulit Diyos ng kaligtasan Ako'y 'di sinukuan sa gitna ng pagkakamali Sa burol ng pagsubok Ang Diyos na Ilaw inalay ang Kanyang buhay Sa'Yong Salita Daang bilyong kabigua'y naglaho Nang ang buhay Mo sa krus ay napako Kamatayan ay napagtagumpayan Nakikita ko Sa'Yong mga gawa Ang pag-ibig Mo Sa'Yong mga nilikha O Turuan mo 'kong magpakumbaba Nakikita ko ang laman ng Iyong puso Ang pag-big at kaligtasang dulot Mo Binigay Mo ang Iyong buhay Sa mundo At hindi ka nagsasawang magmahal Walang papantay sa buhay Mong laan O hindi Ka mang-iiwan kailanman