Kishore Kumar Hits

gloryfall - King Of Kings - Tagalog Version lyrics

Artist: gloryfall

album: King Of Kings (Tagalog Version)


Naghihintay sa kadiliman
Walang pag-asa't liwanag
Mula sa langit bumaba
Laman ng 'Yong mata'y bahag
Katuparan ng pagdating
Ng pangakong Salita
Mula sa dako ng luwalhati
Ikaw ay nagpakumbaba
Ang papuri ay sa 'Yo
Ama, Anak at Espiritu
Karangalan ay sa 'Yo
Purihin ang Hari ng hari
Ihahayag ang kaharian
Upang magbalik-loob
Lahat ng makasalanan
Tinubos ng 'Yong dugo
Sa gitna ng pagdurusa
At hirap ng Iyong taglay
Para sa 'ming kaligtasan
Inalay Mo ang 'Yong buhay
Ang papuri ay sa 'Yo
Ama, Anak at Espiritu
Karangalan ay sa 'Yo
Purihin ang Hari ng hari
At sa kinaumagahan
Ang langit ay naghintay
Sa muli Mong pagkabuhay
Hesus, Ika'y nagtagumpay
Bumangon ang nakahimlay
Mga anghel ay namangha
Bibigyan ng bagong buhay
Ang lumapit sa Ama
'Sang dakilang pagkilos
Ng Banal na Espiritu
Ebanghelyong ihahayag
'Di kailanma'y matitinag
Sa Kanyang dugo't pangalan
Ako ngayo'y malaya na
Sa pag-ibig ni Hesus
Ang buhay ko'y binago N'ya
Oh, oh, oh
Ang papuri ay sa 'Yo
Ama, Anak at Espiritu
Karangalan ay sa 'Yo
Purihin ang Hari ng hari
Purihin ang Hari ng hari

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists