Kishore Kumar Hits

Ateneo Chamber Singers - Dakilang Pag-Ibig - Pieta lyrics

Artist: Ateneo Chamber Singers

album: Behold The Cross (Traditional And Contemporary Liturgical Music For Holy Week)


Dakilang Pag-Ibig saan man manahan,
Diyos ay naroon, walang alinlangan.
O Ina, ika'y nagluluksa, Anak mong Dakila, ngayo'y pumanaw na.
Duyan-duyan muli ni Mariang Ina si Hesus, sugatan at aba.
Dakilang Pag-Ibig saan man manahan,
Diyos ay naroon, walang alinlangan.
O Poon, Iyong nakikita, Mag-Anak na aba, salat sa pag-asa.
Nawawalay at nangungulila silang hanap lamang ay guminhawa.
Dakilang Pag-Ibig saan man manahan,
Diyos ay naroon, walang alinlangan.
O Poon, Iyong namamasdan, Anak Mong dayuhan, pinagtatabuyan;
Lumilikas, nawa'y makalaya mula sa bansang biniyak ng digma.
Dakilang Pag-Ibig saan man manahan,
Diyos ay naroon, walang alinlangan.

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists