Mayroong galak, kapayapaan Ang puso ay mayroong layang Hilumin ang sugat ng hidwaan Mayroong biyaya at pag-asang Alay sa bawa't kapwa At ang mundo ay gagawing isa O ating pasalamat ang Ama, Anak at Espiritu Kaisa ni Maria'y aawit Buksan ang puso at mga mata sa biyayang sa ati'y dulot niya. Kahit iba't-iba, isang pamilya. Walang tanikalang magbibihag sa puso ng bawat isa Pag-ibig at pag-asa ang madarama. Panahon ng Dakilang Saya! Manalangin tayo at magpuri Sa Diyos na naglalang Nagdulot ng biyaya sa mundo. Sa naliligaw gabay ang dulot At Ilaw siyang magniningning Pag-ibig ng Diyos ang daramhin O ating pasalamat ang Ama, Anak at Espiritu Kaisa ni Maria'y aawit Buksan ang puso at mga mata sa biyayang sa ati'y dulot niya. Kahit iba't-iba, isang pamilya. Walang tanikalang magbibihag sa puso ng bawat isa Pag-ibig at pag-asa ang madarama. Panahon ng Dakilang Saya! Buksan ang puso at mga mata sa biyayang sa ati'y dulot niya. Kahit iba't-iba, isang pamilya. Walang tanikalang magbibihag sa puso ng bawat isa Pag-ibig at pag-asa ang madarama. Panahon ng Dakilang Saya! Panahon ng Dakilang Saya! Panahon ng Dakilang Saya!...