D'yos Ko, D'yos Ko, bakit pinabayaan Mo ako? Bawat taong makikita ay umiiling. Palibak, nanunukso't nanlalait. "Nagtiwala s'ya sa D'yos ngunit di napansin. Kung siya'y mahal ba't di siya intindihin?" D'yos Ko, D'yos Ko, bakit pinabayaan Mo ako? May pangkat nakaaway sa paligid ko, para bang mababangis na aso. Kamay ko't paa'y nasugat sa pako. Nabilang nang lahat pati aking buto. D'yos Ko, D'yos Ko, bakit pinabayaan Mo ako? Damit ko'y kanilang pinaghatian. Saplot ko'y dinaanan sa sapalaran. Panginoon, 'wag akong iwang nag-iisa. Lakas ko, ang pag-tulong Mo ay bilisan. D'yos Ko, D'yos Ko, bakit pinabayaan Mo ako? Lahat ng ginawa Mo ay ihahayag sa mga natitipo'y pupurihin ka. Papurihan ang Panginoon, kayong lingkod. Dakilain S'ya hanggang sa dulo ng mundo! D'yos Ko, D'yos Ko, bakit pinabayaan Mo ako? Bakit pinabayaan Mo ako?