Mag-ibigan Kayo Pinakita ko, aking pagmamahal Na nagbibigay init sa buhay. Isang halimbawa ng pagbibigayan, Paghahandog ng buhay sa iba. Nabatid n'yo ba aking ginagawa, Nang kayo'y aking pinaglilingkuran? Ang ginagawa ko ay gayahin n'yo At sundin ang bagong utos ko: Mag-ibigan kayo, mag-ibigan kayo Katulad ng pag-ibig ko sa'nyo. Wala nang hihigit sa isang pag-ibig Ang taong naghandog, buong sarili. Para sa kaibigan, buhay ay iaalay Para sa inyo, ako'y ibibigay! Mag-ibigan kayo, mag-ibigan kayo Katulad ng pag-ibig ko sa'nyo. Manatili sa aking pagmamahal Upang maging lubos ninyong kagalakan Tanging dito lamang makikilala Kung ang bawat puso'y nagmamahal. Mag-ibigan kayo, mag-ibigan kayo Katulad ng pag-ibig ko sa'nyo. Mag-ibigan kayo, mag-ibigan kayo Katulad ng pag-ibig ko sa'nyo. Mag-ibigan kayo, Katulad ng pag-ibig ko sa'nyo.