Krus na dakila, Binhi at bunga, bulaklak na nagliligtas. Kahoy at pako at kanyang bigat Ligaya nating inaasam. Umawit ang dilang puno ng dangal Kaligtasan ay narito na. Sapagkat sa krus ay nakabayubay Kamatayang nagbibigay buhay. Krus na dakila, Binhi at bunga, bulaklak na nagliligtas. Kahoy at pako at kanyang bigat Ligaya nating inaasam. Naawa ang D'yos sa ating nasadlak Sa mundo ng kasawian. Ngunit sa puno ng kaligtasan Kamatayan, tayo'y lalaya. Krus na dakila, Binhi at bunga, bulaklak na nagliligtas. Kahoy at pako at kanyang bigat Ligaya nating inaasam. Narito na'ng ating katubusan Sinugo ang Kanyang Anak. Sa sinapupunan ng Birheng Mahal, Panginoo'y nagkatawang tunay. Krus na dakila, Binhi at bunga, bulaklak na nagliligtas. Kahoy at pako at kanyang bigat Ligaya nating inaasam. Iniwan ni Kristo ang kabataan Hinarap ang pagdurusa Katulad ng 'sang maamong tupa Buong buhay N'ya'y inialay. Krus na dakila, Binhi at bunga, bulaklak na nagliligtas. Kahoy at pako at kanyang bigat Ligaya nating inaasam. Masdan ninyo ang Krus na banal Si Hesus, nakabayubay Dugo at tubig dumadaloy Na nang maghilom ang bawat sugat. Krus na dakila, Binhi at bunga, bulaklak na nagliligtas. Kahoy at pako at kanyang bigat Ligaya nating inaasam. Kahoy at pako at kanyang bigat Ligaya nating inaasam. Krus na dakila (oh)