Ngayon ay isinilang dakilang mananakop Sa ati'y isinilang si Kristong Panginoon Awitan ang Panginoon ng bagong awitin Awitan ang Panginoon ng buong daigdig Awitan ang Panginoon ng bagong awitin Awitan ang Panginoon ngalan nya ay purihin Ngayon ay isinilang dakilang mananakop Sa ati'y isinilang si Kristong Panginoon Ipagbunyi't ipahayag ninyo sa bawat araw Ang dakilang kaligtasan na galing sa kanya Inyong ipamalita sa lahat ng mga bansa Ang kanyang kapangyariha't kahanga hangang ginawa Ngayon ay isinilang dakilang mananakop Sa ati'y isinilang si Kristong Panginoon Magdiwang ang kalangitan magalak ang kalupaan Ang lahat ng nasa dagat umugong sa tuwa Magdiwang ang kapatagan at lahat ng kanyang bunga Ang lahat ng mga puno lumukso na sa tuwa Ngayon ay isinilang dakilang mananakop Sa ati'y isinilang si Kristong Panginoon Lahat tayo ay magdiwang narito ang Panginoon Dumarating sa atin upang Sya ay mamuno Sya ay may katarungan gayundin at kaharian Tayo ay huhukuman ng may katapatan Ngayon ay isinilang dakilang mananakop Sa ati'y isinilang si Kristong Panginoon Ngayon ay isinilang dakilang mananakop Sa ati'y isinilang si Kristong Panginoon!