Kaygandang pagmasdan ang kapaligiran Dahil sa taglay na kulay ng pasko May kulay ba ang pasko, pula, puti ba o ginto? O kahit ano, may kulay ba ang pasko? Subalit pawang mali, mga kulay na nabanggit Hindi mo ba batid ang kulay ng pag-ibig Ang kulay ng pasko di mo makikita kailanman Ito'y nararamdaman kung tayo'y nagmamahalan Ang kulay ng pasko kung nais mong masdan Matatagpuan lamang sa abang sabsaban! Mga parol at krismas tri, bagong sapatos at damit Kulay nila'y kayganda subalit kulang pa At kahit na punong-puno ang medyas ni Santa Klaus Hindi pa rin ganap ang nadaramang galak Mga batang nagkakaroling, awit nila ay iyong dinggin Nagsasabing kulay di sapat,kung puso sa pag-ibig ay salat Ang kulay ng pasko, di mo makikita kailanman Ito'y nararamdaman kung tayo'y nagmamahalan Ang kulay ng pasko kung nais mong masdan Matatagpuan lamang sa abang sabsaban Ang kulay ng pasko, kung nais mong masdan Nagliliwanag at kaytingkad nagniningning o kayganda Matatagpuan lamang sa abang sabsaban.