I. Kailan kaya matututunan, Pag-ibig Mo'y maging aking daan? Turuan mo ako; akayin mo ako, Dahil sa'Yo ako'y naririto. II. Kailan kita matutularan, Gayon batid aking karukhaan? Tulungan mo sanang maunawaan ko. . . Ang lakas ko'y nagmumula lamang sa'Yo. Huwag mo sanang tunghayan aking kahinaan. Bagkus nawa'y kalugdan aking pagmamahal. Nais kong maging alagad ng Pag-ibig; Dahil ako ang una mong inibig! III. Hindi ako mag aalinlangan Khit hindi alam ang pupuntahan Ang tangi kong mamasdan at lagi kong susundan. . . Pag ibig mong aking lakas kailanpaman. Huwag mo sanang tunghayan aking kahinaan. Bagkus nawa'y kalugdan aking pagmamahal. Nais kong maging alagad ng Pag-ibig; Dahil ako ang una mong inibig! Huwag mo sanang tunghayan aking kahinaan. Bagkus nawa'y kalugdan aking pagmamahal. Nais kong maging alagad ng Pag-ibig; Dahil ako ang una mong inibig!