Kishore Kumar Hits

Mimo Perez - Buntong Hininga lyrics

Artist: Mimo Perez

album: Buntong Hininga ng Isang Alagad


I.
Isang gabing maalingsangan,
Na tila may nagbabantang ulan.
Nakatanaw sa dagat na hindi tumitinag,
Walang hangin o buwangs maliwanag.
II.
Katawang pagod, pusong malungkot,
Pinapapak pa ng lamok.
Ang tanging kaulayaw ko'y serbesa at gitara,
At ang pulutan ko'y buntong hininga.
Sa mga gabing tulad nito,
Sarili ko'y tinatanong, nagkamali ba ako?
Ayaw kong matulog dahil alam ko
Katulad ng ibang gabi unan lang ang yakap ko.
III.
Umaga ba'y kailan sasapit?
Hanggan kailan kaya mamimilipit
Mga piping saksi'y dingding ng aking silid.
Sa 'king buntong hiningang walang patid.
IV.
Meron bang pusong 'di nalulungkot?
Meron bang pusong di natatakot?
Payag na ako kung paghahangad magwawakas
Sa kagandahang kailanma'y di kumukupas.
Minsan nang ako ay nagpasya,
At alam kong iyo'y di pangsamantala
Di ako nagsisisi, ang tangi kong sinasabi
Katulad mo, marunong din akong. . .
BumuntongHininga
Pumapatak na ang ulan
Ang hangin ako ngayo'y hinahagkan
Ipipikit na ang mata at sa aking paghiga. . .
Huhugot ng isang buntong hinihga.

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists