Kishore Kumar Hits

Mimo Perez - Salamat, Espiritung Banal lyrics

Artist: Mimo Perez

album: Buntong Hininga ng Isang Alagad


Katulad ng banayad na simoy ng hangin
Haplos Mo'y 'di napapansin
Subalit pa'no ko malilimutan?
Ang hatid Mo sa puso ko ay kapayapaan
Ang buhay kong nagdusa sa gitna ng dilim
Pinalaya ng liwanag Mong nagniningning
At ang init Mong dalisay, pumapawi ng lamig
Ngayo'y batid kong Ikaw ay pag-ibig
Salamat sa 'Yo, Espiritung Banal
Ikaw ang dalisay na pagmamahal
Salamat sa 'Yo, Espiritung Banal
Ikaw ang apoy na nagbibigay sigla
Nagpapakilos sa puso upang magmahal
Salamat, Espiritung Banal

Katulad ng banayad na buhos ng ulan
Sa 'Yo'y aking natagpuan
Masaganang tubig na bumubukal
Sa pusong nauuhaw, hatid Mo'y pagmamahal
At sa bawat sandaling aking kasama Ka
Ang init Mo'y aking damang-dama
Sa 'king galak at luha ay kapiling kita
Pag-ibig at Ikaw ay iisa
Salamat sa 'Yo, Espiritung Banal
Ikaw ang dalisay na pagmamahal
Salamat sa 'Yo, Espiritung Banal
Ikaw ang apoy na nagbibigay sigla
Nagpapakilos sa puso upang magmahal
Salamat, Espiritung Banal
Buhay Mo'y buhay ko ngayon
Maghatid ng pag-ibig
Salamat sa 'Yo, Espiritung Banal
Ikaw ang dalisay na pagmamahal
Salamat sa 'Yo, Espiritung Banal
Ikaw ang apoy na nagbibigay sigla
Nagpapakilos sa puso upang magmahal
Salamat, Espiritung Banal
Salamat, Espiritung Banal

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists