Kishore Kumar Hits

Shalom Singers - Isang Dakot Ng Kanyang Himala lyrics

Artist: Shalom Singers

album: Isang Dakot Ng Kanyang Himala


La-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la
Sa iba't ibang panahon, kami ay hinipo
Ng Dakilang Kamay, na sa Krus ay napako
At sa Kanya rin namang tinakdang panahon
Kami ay tinipon, naging isang lupon
At narito ngayon, sa inyong harapan
Ang isang dakot ng Kanyang himala
Kami na dati'y talagang masama
Binago Niya't pinagpala
Kami'y isang dakot ng Kanyang himala
Mga makasalanang, pinuspos Niya ng awa
Ngunit, hindi upang sarilinin ang biyaya
Kung 'di, upang aming ihayag sa madla
Kay tagal na panahon, kami'y nagdusa
Namuhay sa kadiliman at sa kapighatian
Ang bawat isa ay larawan ng kawalan ng pag-asa
Maraming nabigo, na kami ay baguhin
Magulang, kapatid, babaeng tinatangi
Maging ang simbahan o ang bilangguan
Nabigong kami'y gisingin sa katotohanan
Subalit, no'ng kami nga ay hipuin
Kamay ni Hesus, na naghirap para sa 'tin
Ang pagbabagong totoo ay dumating
Sa bawat buhay ng isa sa 'min
Kami'y isang dakot ng Kanyang himala
Mga makasalanang, pinuspos Niya ng awa
Ngunit, hindi upang sarilinin ang biyaya
Kung 'di, upang aming ihayag sa madla
Kami'y isang dakot ng Kanyang himala
Ihahayag ng aming awit, ang Kanyang ginawa
Kami'y isang dakot ng Kanyang himala
Ihahayag ng aming awit, ang Kanyang ginawa
Kami'y isang dakot ng Kanyang himala

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists