Di ko na ngayon pinanghinayangan Ang nagdaang madilim kong kahapon Ganap ko nang naunawaan Kung kakit ako ay nagkaganoon Pagkat nilimot ko ang Panginoon Pinag-alis sa matayog na ambisyon Nagtiwala sa sariling kakayahan Hanggang sa malublob sa kasamaan At akin nang hinarap ang bunga ng lahat Pambansang piitan ang kinahantungan Hirap ng katawan, hirap ng isipan Araw man o gabi, walang katahimikan Ngunit ang Diyos ay 'di natulog kailanman Pagbabalik loob ko'y hinihintay At bukas ang palad niyang ibinigay Bugtong na anak na aki'y umakay Salita niya ang aking naging gabay Umagos sa takbo ng aking buhay Tinanim sa puso at pinamuhay At ang kapayapaan niya'y tinaglay At aking ngang natamo ang bagong buhay ko Na akin naman ngayong binabahagi sa inyo Buhay mapayapa, may sapat na biyaya Sa masasamang gawa ako ay lumaya At sa buhay ko'y may bagong musika Ibahagi Siya ang aking adhika Sa awit ko'y iaangat ko Siya Di mahihiya o mangangamba Sa buhay ko'y may bagong musika Ibahagi Siya, ang aking adhika Sa awit ko'y iaangat ko Siya Di mahihiya o mangangamba