Kishore Kumar Hits

Shalom Singers - Muling Isinilang lyrics

Artist: Shalom Singers

album: Isang Dakot Ng Kanyang Himala


'Di ko sukat akalain buhay ko'y magbabago pa
Kahapon ko ay larawan ng kawalang pag-asa
Pagdurusa't kalungkutan, kakambal ng bawat araw
Dito sa bilangguang kinalalagyan
Ngunit, isang gabing tahimik, ako'y muling sinilang
Luha ng pagsisisi ang sa 'ki'y nagluwal
Nilinis ng Kanyang dugong mahal, ako'y muling sinilang
Inalagaan sa duyan ng ebanghelyong banal

Ako ay pinalakas ng Kanyang salita
At sa buhay ko nga'y naganap ang isang himala
Ang hirap at kalungkutan dito sa piitan
Sa ngalan ni Hesukristo, dagling napaparam
Itinakwil man ng lipunan, hindi ng kalangitan
'Pagkat ang makasalanan ang s'yang dahilan
Ng Kanyang kamatayan, ang s'yang katubusan
Ng bawat nilalang na Kanyang minamahal
Itinakwil man ng lipunan, hindi ng kalangitan
Kalakip ng aking bagong buhay ang kalayaang tunay
Isang biyayang walang kapantay
Ako'y muling isilang
Ako'y muling isilang
Ako'y muling isilang

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists