Sino ka man kaibigan Ano man ang iyong kalagayan sa buhay Mayaman ka man o mahirap Mataas ang pinag-aralan o mangmang Malaya o nasa bilangguan Ang awit na ito'y iyong pakinggan Iyong pag-isipan At iyong paghandaan Masdan mo ang mundo at pagnilay-nilayan mo Digmaan ay sumisiklab, himagsikan ay laganap At sa ibang panig naman, na walang kaguluhan Tao'y nagpapasasa sa makamundong gawa Mundo'y lumalala, maliwanag na tanda Ng muling paghuhukom na Kan'yang winika At sa iyong pagninilay-nilay Damahin mo ang mensaheng taglay Na tayo'y maging handang naghihintay Sa anak ng Diyos na buhay ♪ Isipin mo ang mundo at ang ebanghelyo Tanda ng huling paghuhukom ay matutunghayan mo Pagtalinong sobra ng tao ay isa sa mga ito Sa kapangyarihan at salapi ay 'di na nakuntento Mundo'y lumalala, maliwanag na tanda Ng muling paghuhukom na Kan'yang winika At sa iyong pagninilay-nilay Damahin mo ang mensaheng taglay Na tayo'y maging handang naghihintay Sa anak ng Diyos na buhay Sa anak ng Diyos na buhay Sa anak ng Diyos na buhay