Hallelujah, luwalhatiin Ka
Hallelujah, luwalhatiin Ka
Ama, yakapin Mo
Ang 'Yong anak, nagsusumamo
Ikaw ang kanlungan ko
Tanggulan ng aking puso
Oh, Diyos, aking Ama
Pangamba'y nawawala
Kapayapaan ang nadarama
Papurihan at sambahin Ka
Oh, Panginoon, ang puso ko'y sumisigla
Pag-ibig na kamangha-mangha, alay sa 'kin, oh, Diyos Ama
Oh, Panginoon, nariyan Ka sa tuwi-tuwina
Patuloy na dadakilain at luwalhatiin Ka
Salamat, aking Ama
Sa kaligtasang natamasa
Tanging si Hesus ang pag-asa
Oh, aking Diyos, parangalan Ka
Oh, Panginoon, ang puso ko'y sumisigla
Pag-ibig na kamangha-mangha, alay sa 'kin, oh, Diyos Ama
Oh, Panginoon, nariyan Ka sa tuwi-tuwina
Patuloy na dadakilain at luwalhatiin Ka
Patuloy na dadakilain at luwalhatiin Ka
Hallelujah, luwalhatiin Ka
Hallelujah, luwalhatiin Ka
Hallelujah, luwalhatiin Ka
Hallelujah, luwalhatiin Ka
Поcмотреть все песни артиста