Kishore Kumar Hits

Arnel Aquino SJ - Panalanging Maging Bukas Palad lyrics

Artist: Arnel Aquino SJ

album: Lauds, Vol. 8: Hesus Ng Aking Buhay


Panginoon, turuan Mo ako maging bukas-palad
Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa 'Yo
Nang makibakang di inaalintana
Mga hirap na dinaranas
Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap
Ng kapalit na kaginhawaan
Na 'di naghihintay kundi ang aking mabatid
Na ang loob Mo'y siyang sinusundan
Panginoon, turuan Mo ako maging bukas-palad
Turun Mo akong maglingkod sa Iyo
Na magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa 'Yo

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists