Purihin ang Panginoon, Umawit ng kagalakan At tugtugin ang guitara At ang kaaya-ayang lira Hipan ninyo ang trumpeta. Sa ating pagkabagabag Sa Diyos tayo ay tumawag Sa ating mga kaaway Tayo ay kanyang iniligtas! (Koro) Mga pasaning mabigat, Sa ating mga balikat; Pinagaan ng lubusan, Ng Diyos na tagapagligtas. (Koro) Kaya't Panginoon ay dinggin, Ang landas niya ay tahakin Habambuhay ay purihin, Kagandahang loob niya sa atin. (Koro) At ang kaaya-ayang lira Hipan ninyo ang trumpeta