Kishore Kumar Hits

K. Deal - Wagi lyrics

Artist: K. Deal

album: Wagi


Sa 'min ka sumalamin
Hagod parang inumin
Pangalan inyong alamin
Dami nilang napa-damn
Linis ng porma nakasalamin
Laging puti yung damit
Angat yung bandera ng set
Gantilyo pagkumalabit
'Wag niyo tong maliitin
Higante tumulak, barubal
Panalo kami na yung mag-uuwi
Sunod salapi
Kahit pagtulungan, base hindi magapi
Sunog umapi
Bawat lukot naiplantsa, kami nagtupi
Walang nalabi
Daming bagyo bubong namin hindi yumupi
Kami yung wagi
'Di nagpatalo sarili ko lang din yung katunggali
Bawat atake sagad bara, bawal supot
Dito di pwede yung 'di tuli
Kahit hindi lumapag, swabe lagi yung dating
Malinis pero bawat balak namin madumi
Lamig pero laging init
Kala mo uling pag-pinaypayan lalo lang mag-babaga
Kasama gang
Bitch mo kasama lumakad sa bank
Pasibol palang aming araw
Ramdam mo yung temperatura
Takot na samin yung gabi
Kahit sino kumalaban
Mabuti siguro mag-hanap pa ng kakampi
Pwersa hindi maaawat
Kala mo rambulan ng dalawang tropang lasing
Rima hindi ka nabitin no?
Elibs ka samin aminin mo
Walang hiningi, bawat butil katas aming pagod
Hanggang maging pera lahat ng sabihin ko
Kada minutong tanim, malaki yung ambag
Kapag oras na para anihin 'to
Sawa na kakatungo sa bituin
Kaya pag umangat, pangako susulitin ko
Samin ka sumalamin
Hagod parang inumin
Pangalan inyong alamin
Dami nilang napa-damn
Linis ng porma nakasalamin
Laging puti yung damit
Angat yung bandera ng set
Gantilyo pagkumalabit
'Wag niyo tong maliitin
Higante tumulak, barubal
Panalo kami na yung mag-uuwi
Sunod salapi
Kahit pagtulungan, base hindi magapi
Sunog umapi
Bawat lukot naiplantsa, kami nagtupi
Walang nalabi
Daming bagyo bubong namin hindi yumupi
Kami yung wagi
Dala dala ko panalo, matalo, malabo
Labas mo yung banda
Nung sinargo yung bola, lahat 'yan hulog
'Pag tumira, lahat bumabanda
Baliktarin mo man aking daan
Kabisa ko 'yan kahit pa nakapiring
Dalawa yung mata pero tanaw yung sakop
Bacoor aabot sa Dasma
'Di umubra
'Yaw magpapigil hanggang dalang auto mauna sa bus
Kung walang balita na sakin panalo
Puwes alam mo na nahuli ka sa news
Lapat paa dating tumiptoe
Lumaki yung tuta
Yung tao sa salamin naging sarili kong big dawg
Akala bagansya nung nagsalita kasi
Shit ko yung pito
Rinig mo sa buong molino
'Di magkandamayaw kung pera unahin o anong sagot pag tanong sa pangalan kung sino
Sakin butas yung pader, makapal man yung patong kasi pasok ko mas dumiin
'Di makaisa yung gusto ko matalo kasi nakabantay sa nakatingin
Bago harurot iniwan ng nakangiti
Kita mo 'gad sa laman ng pitaka kanino sasama yan pag-pauwi
Deretso takbo, sandaan
Alam mo 'di to cha-change lane
Paa sa pedal ng mapasakamay ko yung premyo
Galaw di na same thang
Ginalingan subo paglakas ng palo pagtapos
Panalo kami na yung mag-uuwi
Sunod salapi
Kahit pagtulungan, base hindi magapi
Sunog umapi
Bawat lukot naiplantsa, kami nagtupi
Walang nalabi
Daming bagyo bubong namin hindi yumupi
Kami yung wagi

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists